Luca's POV Malungkot kong sinundan ng tingin si Dale. Nasasaktan ako para sa kanya. Gustong gusto kong punasan ang luha niya ngunit hindi ko magawa sa tuwing naiisip ko na ako ang punot dulo kung bakit siya nasasaktan ngayon. Flashback "Wag mo ng ituloy ang board exam. Hindi ka magdodoctor Luca. Dito ka magtatrabaho sa kumpanya natin." Galit na sabi ng Daddy ko. "No Dad. Malapit na ako sa pangarap ko saka mo sasabihin sakin yan. Tsaka nandiyan naman si Ate." "Your sister is pregnant." Nagulat ako sa sinabi nito. "Ikaw nalang ang pag-asa ko Luca." Umiling ako at padabog na naglakad palabas ng opisina niya. Hindi ko siya maintindihan. Noon wala siyang tiwala sakin sa pagpapatakbo ng kumpanya, ni ayaw niya nga akong pumupunta dito eh. Si Ate Len ang paborito niya, siya palagi ang bida

