Dale's POV Huminga ako ng malalim bago paandarin ang sasakyan. Hindi ko napansin ang oras, pagabi na ng bumalik ako sa maynila. Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Lola. "Dale, saan ka ba galing? Kanina pa ako tumatawag sayo out of coverage ka." "Sorry Lola. Nalowbat kasi yung phone ko." "Nag-alala ako sayo. Tumatawag din si Luca, hinahanap ka. Bakit namamaga na naman ang mata mo? May nangyari ba?" Umiling ako. "Nagugutom na po ako. Pwede na ba tayong kumain ng hapunan?" Sabi ko para umiwas sa mga tanong nito. "Oo naman. Halika ka na." "Si Kyle Jr. po pala?" "Nagpaiwan sa hospital. Gustong makasama si Kyle, nandun din naman ang Mamita niya kaya pumayag na ako." Napatango nalang ako. Alam ko naman kasi kung gaano niya kamiss ang Daddy niya. Sinandukan ako ni Lola ng kanin at u

