Dale's POV Nakaupo ako sa kama habang nakatingin sa kawalan. Flashback "Ma'am Dale pwede po ba kitang makausap?" Napatingin ako sa secretary ko nang pumasok ito sa opisina ko. "Yes. May problema ba?" Halata sa mukha nito ang labis na kaba. "Hey. Are you okay? What happen?" "Ma'am Dale." Huminga ito ng malalim. "Ma'am nakita ko po yung asawa niyo, may kasamang babae sa isang hospital." Nakayokong sabi nito. "Ayoko po sanang sabihin sainyo pero mukhang may kakaiba sa dalawa." "B--baka naman kamukha lang ni Kyle." Nauutal kong sabi. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko kasi nangingibabaw parin ang binigay kong tiwala sa kanya. "Kilala ko po si Sir Kyle. Alam ko pong siya yun. Medyo maliit na payat ang kasama niya tapos hanggang balikat lang ang buhok." Nabitawan ko ang hawak kong bal

