Dale's POV "Ahhh..." Sigaw ko. Manganganak na ako, ilang minuto nalang ang hinihintay lalabas na ang kambal namin. "Sshhh... Calm down Love. You can do it." Anong calm down? Sobrang hirap kaya manganak, hindi lang ito natatapos sa pag-ere. Buong katawan mo masakit, tama nga yung sinabi ng matatanda noh. Kapag nanganganak ang isang babae, nasa kabilang hukay ang isang paa nito. "Okay, one more push Mommy." Sabi ng doctor kaya ginawa ko ito. "Ahhh..." Sigaw ko ulit. May narinig akong iyak ng baby kaya napaiyak narin ako. "Your doing great Love." Bulong ni Kyle at humalik sa noo ko. Ayokong bitawan ang kamay niya kasi may isa pa. "Okay. Last one na, nakikita ko na ang ulo ni baby. One more push and we're done. Ready." Bumilang ang doctor kaya umire ako ulit, siguro umabot lang ng

