Bagong Umaga

4870 Words
Naging madalas ang pag kikita nila Myleen at Matt, palaging dumadalaw si Matt sa bahay ni Myleen. Sinasamahan din ni Matt si Myleen sa pag a apply ng trabaho hangang sa matangap ito. Madalas din mag tawagan ang dalawa, nakakatulugan na nila ang kanilang telepono pag nag kakausap sa gabi. Halos nakakalimutan na ni Myleen bahagya ang mga mapapait na kahapon nya. Malimit dalhan ni Matt si Myleen ng pag kain pag night duty ito sa ospital. Alam ni Myleen sa sarili nya na nag e enjoy sya kasama si Matt, naisip nya na nahuhulog na ang loob nya sa binata. Ngunit hindi nya malaman kung me pag tingin ba si Matt sa kanya dahil di naman ito nag papahayag ng pag ibig sa kanya. Halos tatlong buwan na sila mag kanilala wala namang nababangit si Matt tungkol sa nararamdaman nito para sa kanya kaya naisip nya na maaaring kaibigan lang ang pakay nito sa kanya. Ngunit di nya mapigilan ang pag hanga sa binata... minabuti na lamang nyang ikubli ang nararamdaman sa binata ika nga nya let the future take its course. Minsan pag nag iisa sya na iimagine nya na mag kasama silang dalawa na sweet at napupunta sa kissing scene ... tapos bigla syang bumabalik sa senses nya at napapa ngiti sinasabi sa sarili na "ano ba itong pumapasok sa isip ko, hoping ka Myleen!, hyssst... no! Its a wish" at sabay natatawa sya sa sarili nya... Gabi na ng makadating ng bahay si Myleen galing sa trabaho, mga 10pm na iyon. Pag katapos kasi ng duty nya nag kaayaan sila ng mga kasamahan nya sa trabaho. Me sale sa mall at kumain sa labas, pag katapos nun saka pa lang sya nakauwi. Pag kapasok nya sa bahay ay agad nya na ito ni lock ngunit naiwan nya na bukas ang binta, di nya na din iyon sinara dahil me grills naman. Nag tungo sa kanyang silid at inilapag ang mga pinamili at saka bumalik sa sala nag pahinga ng kaunti upang maligo pag katapos. Maya maya pa ay napa tingin ito sa kanyang cellphone me nag text.... si Matt, na ngangamusta ito if naka uwi na sya... sinagot naman ito ni Myleen ng oo, mahaba haba din ang pag cha chat nila at maya pa ay nag goodnight na si Matt dahil 11pm na... matapos ang usapan nila, nag tumungo sya banyo para maligo. Nakabihis na si Myleen ng kanyang pantulog ng minabuti nito na i chk ulit ang mga lock ng pinto at pinatay ang mga ilaw saka bumalik sa kanyang silid. Habang nag papatuyo sya ng buhok ay nag patugtog sya mula sa kanyang cellphone, maya maya pa ay pinatay na din nya ang ilaw sa kwarto at binuksan nya ang night light sa side table at saka sya nahiga. Mababaw pa lang ang kanyang tulog ng me naririnig syang kaluskos sa labas ng bahay narinig din nya na tila me mga nag sasalita, pinakiramdaman nya ang lahat, hangang sa me narinig sya na parang nabasag na paso. Kaagad syang bumangon at binuksan ang pinto, dahil bukas ang bintana sa sala agad nya nakita na me tao sa labas at parang binubuksan ang pinto sa may entrance ng bahay nya. Agad na tumawag si Myleen sa security ng subdivision nila ngunit walang nasagot dahil kasalukuyan ang guardia ay nasa harapan ng gate at nag che check ng papasok na kotse ang isa naman ay kasakukuyang nag iikot sa subdivision ngunit malayo sa kinaroroonan ng bahay nila myleen. Kaya naisip ni Myleen na tawagan si Matt mahina ang boses ni Myleen ayaw nya makagawa ng ingay, pag katapos nila mag usap ay agad namang tinawagan ni Myleen si Tatay Julio. Nag madali ang mag asawa na bumangon at nag tungo sa barangay upang matulungan si Myleen, samantala si Matt ay nag madali na sumakay ng kotse at nag tungo ke Myleen. Maya maya pa ay bahagyang nag tago si Myleen malapit sa nakikita nya ang pintuan sa sala... Napansin nya na nasira na ng mga manloloob ang door knob ng pinto nakita nya iyon dahil sa liwanag na binigay ng bukas na bintana. di nila mabuksan ang pinto dahil meron pa ito lock sa may taas at ibaba ng pinto at kung sakali na matangal nila iyon ay di din sila makakapasok kaagad dahil me chain ito kailangang pwersahin para matangal ang chain. Nag dadasal si Myleen na sana ay dumating na ang mga tinawagan nya. Mabilis namang rumesponde ang barangay at sinabi na ng mag asawa sa guardia ang nangyari at tumawag ng guard ang kasamahan nito. Me kasamang mga pulis din ang barangay... Maya maya pa ay naka dinig ng ingay ng motor ang mga nasa loob ng bakuran ni Myleen agad itong na alarma na me padating. Nakita nung isang lalaki na sumilip sa bintana si Myleen sa gilid kung san ito naka kubli at agad na sumigaw ..."hoy ikaw, buksan mo ang pinto"... hindi natinag si Myleen sa kinatatayuan lalo itong natakot ng makita ang tao sa bintana. Agad naman nag salita ang ibang kasamahan nito na "tayo na papalapit na dito ang sasakyan, bilisan nyo na" nakalabas ng bakuran ni Nyleen ang tatlong lalaki, casual lang itong nag lakad papalayo sa bahay ni Myleen... nag lakad ito na nag kukwentuhan kunyari dahil napansin nya na me motor ng barangay na dumaan kasabay ng police mobile. agad na kumaripas ng lakad ang tatlo pag kalagpas sa kanila ng sasakyan. Samantala si Matt ay kasalukuyang nasa gate papasok ng subdivision napansin ni Matt ang tatlong lalaki na papalabas ng gate. Medjo natandaan ni Matt ang isa sa kanila. Nagtanong si Matt sa guardia, "guard sino yung tatlong lalaki na yun na lumabas?" ... tinignan ng guard ang nakatalikod na na tatlo nakalabas ng gate, "ah tiga jan po iyon sa kabilang kalsada me mga bahay po duon" .."bat gabi na nasa loob pa sila ng subdivision?" ..."baka po kakatapos lang nila sa ginagawang bahay dun po sa me malapit kila Ma'am Myleen " .."Ganitong oras me pa trabaho pa?" ..."Finishing na lang po kasi yung bahay kaya tinatapos na dahil medjo matagal na din nga po, kailangan na po kasi matapos na sola dahil ang permit eh hangang katapusan na lang po ng buwan na ito"..."ah ganun ba, alam mo na ba na me nan loob sa bahay nila Ma'am Myleen mo? tinatawagan ka daw nya kanina pero ring lang ng ring ang phone nyo"...napa kamot ang guardia at..."di ko po nasagot Sir kasi me dumating po na sasakyan pag balik ko para sagutin ang telepono na wala na po. Pero opo nan dun na po ang isang kasamahan ko at me dumating na din po na mga pulis kasama yung si mang Julio"..."ah ganun ba?, oh sige tuloy na ako"... Pag dating ni Matt kila Myleen ay me mga kapit bahay na nasa labas na ng kanilang mga gate na nag uusyoso me pulis din at barangay tanod na nasa labas ng gate ..Pag pasok ni Matt sa loob ng gate ay nasalubong nya ang isang pulis, at dumeretso na sya sa loob na dun ang isa pang pulis na tumayo na wariy nag papa alam pati na din ang isa pang tanod at ang guardia ng subdivision. "Sige po Ma'am alis na kami, binati naman ng tingin ni Matt ang pulis na papalakad papunta sa may pinto gayun din ang iba pang kasama nya... naiwan ang guardia," ayaan mo po Ma'am Myleen lagi po akong dadaan dito sa lugar nyo. pasensya na po Ma'am at di namin sila naabutan,"..tumungo naman si Myleen dito at nag pasalamat. Natagpuan ng mata ni Myleen si Matt at waring mapapaiyak na ito ng makita nya. Agad namang tumayo si Tatay Julio at inihatid ang mga pulis sa labas at si Matt ay tumabi sa kinauupuan ni Myleen na nasa kabilang tabi namn si Nanay Belen. Nag mano si Matt kay Belen at agad namang inakbayan ni Matt si Myleen. "Hey, its alright I'll stay here, till tomorrow if its okay with you?" tumingin si Myleen sa mata ni Matt at tumango ito. Si belen naman ay tumayo dala ang baso ng tubig at " iwan ko muna kayong dalawa at mag ligpit lang ako sa kusina." ..."sige po Nay" tugon ni Matt"... Maya maya pa ay pumasok na si Tatay Julio sa bahay." Sira lahat ng mga lock ng pinto, bukas ayaan mo anak at aayusin ko ito. kailangan mo na din siguro bumili ng mga bagong lock at dagdagan mo na din" tumayo si Matt at nag mano ke Tatay Julio. " Me suspetsa ako tay na yung tatlong nasalubong ko sa gate ang me gawa nun nag ta trabaho daw yun jan malapit dito. Namukhaan ko ang isa, me nakita ka ba sa kanila Myleen?" tumango si Myleen ... Bumalik ma sa sala si Nanay Belen at na upo ito at pati na din si Mang Julio. Anak siguro yun pinto sa likod dagdagan na din natin ng lock at wag muna buksan yun tutal wala ka naman gagawin dun sa labas, pag nandito na lang kami ng nanay mo saka na natin buksan. "Mabuti pa Myleen kumuha ka ng makakasama mo dito, mag pa upa ka ng isang babae tutal me bakanteng kwarto ka naman" mungkahi ni Matt..."hindi ba delikado din yun? hindi ko kakilala di ba?".. "Kung sabagay may point ka ka dun"..."Tay, nay maari bang dito na lang kayo tumira sa akin?" samahan nyo na lang po ako dito." napa tinging si Matt sa dalawang matanda...at nag ka tinginan naman ang mag asawa..."naku anak nakakahiya naman iyon sayo. Isa pa me bahay naman kami anak, paano ang tinitirhan namin? at ang mga gamit namin."..." Tay pwede naman po kayo umalis dun sa tinitirhan nyo at yung mga gamit nyo pwede din naman dito sa bahay ko. yung iba pwede nayong ilagay sa bodega habang hindi pa kailangan." .. Tumayo si Myleen at lumuhod sa mag asawa at kinuha ang mga kamay nito..."tay, nay please sobrang takot na po ako di ko po kaya na mag isa na dito. ayoko po maranasan ulit ang nara asan ko kanina... please Tay...please..."..."sya sya tumayo ka na diyan"...tumayo si Myleen at umupo sa gitna ng mag asawa at hawak pa din nito ang kamay ng dalawa."Tay please..."..."Okay sige pero itanong mo sa nanay mo kung payag sya"...at tumingin si Myleen ke Belen.." Nay please po!"... at umiiyak na si Myleen.." jaskeng bata ito at tuluyan ng umiyak"...pinahiran ni Belen ang luha ni Myleen" oh sya wag ka na umiyak, pumapayag na ako. Pero aayusin muna amin yung iiwanan namin na bahay syempre, at malinis ko din yung kwarto na ibibigay ko sa amin ng mailagay ko ang mga gamit namin...okay ba yun sa iyo?"...ngumiti si Myleen at tumungo sabay yakap ke Belen.."salamat po nay" patuloy pa din sa pag iyak si Myleen .."oh sya tahan na, sige na tumahan ka na"... masayang pinag mamasdan ni Matt ang tatlo, naisip niyo na maswerte si Myleen dahil merong Julio at Belen ito na minahal sya bilang anak. "oh sya kamiy tutuloy na muna ng Nanay belen nyo ng makapag pahinga na din tayong lahat. Myleen tutal nadito naman si Matt kami muna ay uuwi ng nanay. Matt ikaw na muna ang bahala ke Myleen." .."opo tay di po ako aalis, sasamahan ko po sya," eh i lock mo na ang pinto pag kalabas namin sa taas at ibaba na lang ang lock nyan. wag na kayong mag patay ng ilaw hayaan nyo na lang muna bukas ang ilaw jan sa sala at labas ng bahay."..." oh sya Myleen tahan na anak, wag ka na matakot at nandito lang naman kami ng tatay mo at isa pa kasama ko naman si Matt ngayon, okay?" Pinahiran ni Belen ang luha ni Myleen at hinalikan ito sa noo. Samantala si Julio naman ay tumayo na ngunit biglang hinawakan ni Myleen ang kamay nito.." Tay salamat po, bukas lumipat na kayo ha!" ..."sus ang batang ito, oo bukas na bukas din ay mag hahakot na kami sya wag ka na mag alala." ...'salamat po tay nay" at lumisan na ang mag asawa... kaagad naman ni lock ni Matt ang pinto... "sobra pala ang ginawa ng mag nanakaw ano talagang sinira ang door knob magaking sila ha!" sabay ngiti ng dalawa.."ayan naka ngiti ka na din, I'll sleep here sa sofa"... "are you sure?"..."Oo naman"... "wait kukuha lang ako ng unan at kumot" ... nagulat si Matt ang daming unan na dala ni Myleen at kumot ..."tag isa tayo ng sofa, dito din ako matutulog"... na ngiti si Matt..."okay, lets sleep, are u alright now Myleen?"... "yep I am, thank you Matt"..."No problem, you sleep now, ill wait you to sleep before i sleep"... at pumikit na si Myleen madali naman itong nakatulog dahil naging kampante na ito. Ng nakita na ni Matt na tulog na si Myleen ay na tulog na din ito. kinabukasan, naunang nagising si Myleen niligpit nya ang kumot nya at dahan dahan ito sa pag kilos dahil ayaw nya na magising si Matt, napansin nya na nakababa ang kumot ni Matt kaya inayos nya ito at kinumutan ang binata na napahinto sya at napatitig sa binata, medjo kinabahan sya nasiyahan sya na pag masdan ito at napa ngiti sya na me halong kilig, tingin nya mahal na nya ang binata, at agad na lumayo na ito at nag tungo sa kusina. Nag luto si myleen ng almusal nila, sinangag nya ang kanin na nasa ref na natira nung umaga kahapon at nag init din sya ng tinapay. Nag luto sya ng itlog sunny side up, at bacon na naamoy ni Matt kaya napa bangon ito at nag tungo sa kusina..."wow bacon!, sarap " umupo ito na parang gusto nang kumain ng..."hoy, mister baka gusto mo po muna mag freshen up, ayan oh sa lamesa hinanda ko na kasi alam ko wala kang dalang gamit" sabay ngiti nito ke Matt. Kinuha ni Matt ang towel at toothbrush na hinanda ni Myleen at pumunta ito sa banyo. Maya maya pa eh me nag door bell agad na nag tungo si Myleen sa pinto at binuksan ito. Si Belen iyon me dala dalang malaking bag."buti at naabutan ko pa kayo, pinag mamadali ako ng tatay nyo na dalhin to, pumasok na sya" Nakita ni Belen ang mga unan at kumot sa sofa..."oh dito kayo natulog sa sala?" .."opo nay, saglit at masusunog po ang niluluto ko." sumunod si belen ke myleen atnilabas ang dala.. "Nag luto ako ng sopas eto para maalmusal nyo".."Goodmorning nay belen".."oh good morning din iho, halika at umupo ka na dito at tikman mo itong niluto ko na sopas, sandali at kukuha ako ng bowl"... nilagyan ni belen ng sopas ang bowl ni Matt at natapos na din ang niluluto ni Myleen .."Halika na po Nay saluhan nyo na po kami ni Matt".. "Naku anak kakatapos ko lang kasabay ng tatay mo, oh ito kumain ka ng sopas Myleen ng mainitan yang sikmura mo. Pinaluto yan ng tatay mo at alam na paborito mo".."ang tatay talaga... salamat Nay"... "Myleen sasamahan kita na bumili ng mga padlock mas me alam ako pag dating dun..he he.." at na pa ngiti si Belen at Myleen "sige, mag papaalam ako sa trabaho na di muna ako makakapasok, eh ikaw Matt paano, me pasok ka di ba?".."ako na bahala dun," at ngumiti ito..."eh uuwi ka ba muna sa inyo Matt, para makapag palit ng damit eh naka pantulog ka pa eh?" sabay tingin ni Matt sa suot nya at nag tawanan ang tatlo.."hindi na po Nay me mga gamit po ako sa car lagi po ako me bag na lamaki sa car kumpleto po yun me sapatos din po ako doon ".."ayos ah kompleto talaga? he he.. parang boy scout lang ang peg ah" tugon ni Myleen at nag tawanan ang tatlo. Nag tungo na ang dalawa sa hardware, mabilis namang naka pamili si Matt, doble safety lock at medjo mahal ang mga iyon pilit na binabayaran iyon ni Matt ngunit di pumayag si Myleen. Naki usap si Matt kay Myleen na dumaan muna sila sa opisina ni Matt at pumayag naman ito, me tumawag kasi ke Matt at kailangan nyang pumhnta sa opisina dahil me mga documento itong dapat mapirmahan. Pag pasok nila sa opisina lahat ay napatingin ke Myleen nagulat ang lahat dahil ngayon lang nila nakita si Matt na me kasamang babae. Na conscious si Myleen kaya bahagyang dumikit sya ke Matt, agad namang naunawaan ni Matt pag dikit ni Myleen sa kanya kaya hinawakan nito anh kamay ni Myleen upang di kabahan at patuloy sila sa pag lakad patungo sa office ni Matt, sinalubong naman si Matt ng kanyang sekretarya, at iniabot ang mga papeles, pumasok sila sa loob ng opisina ni Matt at..."Myleen meet my secretary Lorie"..."its nice to meet you Ma'am"...at tumugon naman si Myleen..."thanks, me too"...umupo si myleen sa me sofa ng office ni Matt habang si Matt naman ay sa kanyang upuan,ini abot ni Lorie ang signpen kay Matt upang mapirmahan ang mga documento. "tawagin kita Lorie pag na pirmahan ko na need ko lang i review lahat ito salamat."..okay po sir" at lumabas na si Lorie. Samantala si Myleen naman ay kumuha ng magazine upang malibang habang si Matt ay abala sa kanyang ginagawa..." okay ka lang Myleen?".."yeah, im alright go ahead, ituloy ko na yang ginagawa mo, dont mind me here, nag eenjoy naman akong mag basa eh"..."okay, do u need anything? water or juice?".."no, I'm okay" ..."well mamaya kain na lang tayo, okay?"..." yep!"... at natapos na ni Matt ang kanyang ginagawa tinawag nya ang seretary nya at inabot ang mga documento,"make sure na i inform nyo ko what ever will happen okay, and paki cancel mo yung ibang sched ko today and move it to other day. And make sure na ma send mo sa akin ang schedule ko for tomorrow okay!"..."yes sir, nga po pala Sir si Miss Jan nag pa sched today for a lunch po i cancel ko din po ba?".."yes, please as I told you all my schedule including her, and di ba sabi ko sayo wag ka mag schedule ng di ko alam, parang di mo nasabi yan sa akin kahapon.".."eh Sir sabi po nya wag ko saw sabihin sayo basta ilagay ko lang daw po sa schedule mo,"..."what? sino ba ang boss mo?".."ikaw po Sir"..."then why the hell your taking a word from her to follow?"..."sorry po Sir, di na mauulit".."okay next time all my schedules for work related lang ang aayusin mo and if personal mang gagaling yun sa akin okay!" ..."yes, Sir" ..."good, we have to go now, ikaw na bahala dito"..."okay po sir, bye Ma'am," "bye".. tumungo si Myleen at kinuha ni Matt ang kamay nito at umalis na ang dalawa. Sa kotse tahimik si Myleen, naisip nya kung sino si Jan wala naman syang karaparan na mag tanong ke Matt. Si Matt na ang bumasag sa katahimikan nila , "where do you wanna eat?" ..."ikaw kahit saan, dun na lang siguro sa malapit na sa bahay para mabilis lang tayo makabalik"..."okay lang ba sayo? medjo matatagalan pa tayo sa byahe"... "okay lang naman di pa naman ako ganun ka gutom eh" ngumiti ito ke Matt..."Okay you're the Boss". Sa Shakeys na kumain ang dalawa nag order si Matt ng favorite ni Myleen na pizza at chicken and mojos. Masayang kumakain ang dalawa ng me tumawag ke Myleen, sinagot niya iyon at masaya nyang kjnausqp anv nasa kabilang linya, si Pam, habang patuloy naman sa pag kain si Matt. Nasabi ni Pam na mag video chat sila kaya inopen ni Myleen ang messenger nya at tumawag sya ke Pam. tuwang tuwa ang dalawa ng mag kita sa video, dito ay pinakilala ni Myleen si Pam ke Matt at naging maayos naman ang kanilang pag uusap hangang sa nag pa alam na si Pam. Pinag patuloy ni Myleen ang pag kain nya habang kinikwento nya si Pam ke Matt. Matapos silang kumain ng take out si Matt ng pizza bukod sa natira nila ni Myleen para daw me miryenda sila mamaya at pasalubong na din ke Nanay Belen. Naisip ni Myleen wala pang balak umuwi ni Matt. Ng nasa sasakyan na sila at akmang papaandarin na ni Matt ang kotse nya ng biglang nag ring ang cellphone nito. Ang ina ni Matt na nag aalala, "Matt why u didn't bother to call me that you didn't sleep here." ..."Sorry Mom nakalimutan ko po, promise ill make up to you" ..."Jan called me u canceled her appointment with you, why?, she said there's a girl with you today at the office your secretary told her"..."talaga naman si Lorie oh!, Mom i explain to you later pag dating ko po sa bahay, promise, but for now the girl you telling me is here with me and me emergency lang okay? so you dont need to be worry mom i am okay and please dont push me to Jan okay mom?, I love you bye." lalong nailang si Myleen sa nadinig nya ke Matt.." Matt i think you should go, hinahanap ka na ng Mommy mo" ..."don't mind it"..."Baka hinahanap ka na din nung Jan!"... ngumiti si Matt...."Look Myleen is it not obvious, I like you, I'm enjoying your company, I always want to be with you, I'm thinking of you everyday, and I think I'm falling in love with you"... nag blush si Myleen, parang gusto nyang sumigaw, eto na ang matagal na nyang hinihintay ang marinig yun kay Matt, pero nag paka demure eto, at..." you don't need to answer me now, i can wait for you, i know di ko mapapalitan sa puso mo si Bingo but let me love you and give you good memories."... "wala naman akong masabe"... "talaga bang willing kang mag hintay"...at tumungo si Matt..."oh sige paandarin mo na yan at ng magawa natin yung pinto ko"...sabay nag tawanan ang dalawa... Pag dating nila sa bahay ni Myleen, magiliw na binigay ni Matt ang dala nilang pizza ke Nanay Belen. "Naku me pa pizza pa si Matt ah" oh sya gusto nyo ba kumain? nag luto ako ng sinigang jan" .."naku Nay busog na po kami, siguro po tea na lang para bumaba itong kinain namin."... " oh sya sige, pag gagawa ko kayo ng tea, mag palit ka na ng damit dun Mylee" ..."salamat po Nay"..."simulan ko na gawin tong pinto"..."eh marunong ka ba nyan iho, antayin mo na lang ang tatay Julio mo"..."naku nay marunong po iyan, engineer po si Matt kaya kaya nya yan..he he"..."ay ganun ba, eh parang di naman nadudumihan ang kamay nitong batang ito he he.." ..." Naku nay pati po pag papalitada alam ko he he, lahat po dapat alam ko gawin para alam ko ang ginagawa ng mga tao ko kung tama ba yun o mali"... nasiyahan naman si Nanay belen sa sinabi ni Matt."oh sya Myleen mag palit ka na ng damit mo anak at maiwan ko muna ikaw jan Matt at gagawa kita ng masarap na tea"..."talaga Nay sige nga po ng matikaman ko yang masarap na tea mo he he"... Busy si Matt habang ginagawa ang mga lock ng pinto ng lumabas si Myleen sa kanyang kwarto pinaikot nya ang electricfan dahil napansin nito na pinag papawisan ang binata. kumuha ito ng hand towel na dalawa at..."Matt ilagay ko na muna ito sa likod mo ng di ka matuyuan ng pawis" at sumunod naman si Matt, ngumiti ito ke Myleen, at kinilig naman si Myleen, matapos nitong mapunasan at mailagay sa likod ang towel ay agad na inabot ni Myleen ke Matt ang isa pang towel para mapunasan ni Matt ang pawis nya, ngunit di iyon kinuhanni Matt pinakita nyaaang maduming kamay nito, naabutan ni Nanay Belen ang tagpo na iyon ng dalawa. Agad namang pinunasan ni Myleen ang pawis ni Matt sa noo nito hangang sa mukha at leeg nito, parang me kung anong kuryente ang naramdaman ng dalawa ng ...."eto na ang masarap na tea inumin nyo na ng ma tunaw yang mga kung ano jan'... at nagtawanan ang dalawa... umupo ang mga ito at ininom ang tea..."wow! nay masarap nga ah" .."sabi ko sayo eh"... si Myleen naman"nay anong nilagay mo po dito masarap nga ah"... "sikret!" at nag tawan ang tatlo... Natapos na ni Matt ayusin ang mga lock ng mga pinto..ininit naman ni Nanay Belen ang pizza, gumawa si Myleen ng fresh lemonade at nag miryenda ang tatlo. "Dito ka mag dinner Matt ha" ang aya ni Belen..."Naku Nay di pa po ako nakakaligo" ... "eh di maligo ka jan" aya naman ni Myleen. "Okay lang ba?"..."oo naman"..." Pero bago ka maligo anak eh mag pahingakka kuna saglit baka mabigla ang katawan mo galing sa init, ayaan mo ipag iinit kita ng tubig para naman di ka pasukin ng lamig."..."naku salamat po Nay mag aabala ka pa".."wala iyon anak, okay lang yun"... "sya nga pala Nay belen na ayos nyo na ba po ang mga gamit nyo sa pag lipat nyo dito"... "Hindi pa iha napag usapan namin ng tatay mo eh pag wala na lang syang pasok saka kami mag ayos. Pero mamaya me dala na ang tatay mo na ibang gamit namin, nalinis ko na din yung kwarto na tutuluyan namin dito kaya dadalhin ng tatay mo ang iba mamaya dun sya didiretso sa bahay namin bago tumuloy dito. Eh araw araw mag dadala ang tatay mo ng mga importante naming gamit pag uuwi sya."..."gusto mo ba Nay daanan ko na lang po ang Tatay para po me sasakyan ng di sya mahirapan pang mag buhat?" .."ay di na iho, at di naman yun mag dadala ng madami kung ano lang ang importante ay syang dadalhin non he he." masayang nag minindal ang tatlo. Ala sais na ng makaligo si Matt, lumabas sya ng bahay at nag tungo sa kanyang kotse, inilagay nya ang mga gamit na marumi sa kotse nito. Napansin nya na, me dalawang lalaki na na lalakad at palinga linga sa bahay ni Myleen at napatingin ito sa kanya. Namukhaan nya ang isa sa mga iyon sigurado sya na iyon ang nakita nya sa me gate na papalabas, tamang tama naman na dumating ang nag ro-roving na guard, agad na huminto ito ke Matt.."magandang gabi po Sir"..."magandang gabi naman"...itinuro ni Matt ang dalawabg lalaki na papalayo. At sinabi nya sa Guard namatyagan ang kilos ng mga iyon mukhang kahinahinala ang mga iyon tumungon naman ang Guard ke Matt. Naisipan ni Matt na kunin ang susi ni myleen upang maiurong ang sasakyan at maipasok ang sasakyan nya sa loob. Naintindihan naman ito ni Myleen, nag sisigurado lang si Matt na safe din ang sasakyan nya since alam nya na baka mag tagal pa sya kila Myleen. Ni lock ni Matt ang gate matapos nyang maipasok ang kanyang sasakyan. Luminga linga si Matt sa pagilid sabay naman ng pag labas ni Myleen sa bahay patungo ke Matt.."Myleen siguro dapat lagyan na natin ng cctv sa labas ng gate pati na din dun sa mga point of entry sa bahay mo mas maganda yun para kita mo pag nasa loob ka ang labas ng bahay mo"..."yeah dapat nga siguro para anytime makatawag kaagad ako sa guard or sa pulis, bukas bibili ako tutal off ko".."Uy! off din ako bukas" nag takang tumingin si Myleen ke Matt.." Hello! Saturday po bukas me pasok ka" ..."wala po akong pasok bukas, well sa site lang ako pupunta for a visit yun lang ang pina dala ni lorie na schedule ko no!"... natawa si Myleen..."Halika na nga pumasok na tayo sa loob, tutulungan ko pati si Nanay Belen na mag asikaso para sa dinner natin. Maya maya pa ay dumating na si Tatay Julio, pinag buksan ni Matt at tinulungan sa mga dala nito. Sinalubong naman ito ni Myleen at kinuha ang isang supot na dala ni Julio..."ay anak ilagay mo sa kusina yan at kinuha ko yan sa ref sa bahay, eh pinatay k na ang ref dun at dinala ko na lahat ang laman."..."Wow tay madami dami din to ah mga ilang araw din natin na ulam to ha ha ha"..."sus! ang batang ito, sya dalhin mo na yan sa nanay mo ng mai ayos"... "Tay ito po san ilalagay?".." ay iho ako na sa kwarto ko yan ilalagay mga damit namin yan ng Nanay Belen mo" ... "ako na po Tay sundan ko na lang po kayo".... palakad na ang dalawa sa kwarto ng.."Teka tay asan po ang pasalubong ko?"..."ay naku makakalimutan ko ba yun, akin na nga iyan muna iho at me kukunin lang ako"..binuksan ni Julio ang malaking bag at me kinuhanna Plastic dun at iniabot ke Myleen, tuwang tuwa naman si Myleen na parang bata ng makuha nya ang pasalubong ni Julio..."salamat po Tay, yes me chocklate na naman ako he he"...natuwa din si Matt ng nakita ang saya ni Myleen naisip nya na simple lang ng kasiyahan ni Myleen, tatlong bar ng dark chocolate na Goya ay masaya na ito, naisip nya na di komplekado si Myleen walang arte at marunong mag appreciate ng kahit anong ibigay sa kanya. Naisip nya na ito ang babaeng para sa kanya ang nais nya makasama habang buhay...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD