Sa May Tagpuan ❤

702 Words
"Pam mauna na ko sayo ha" nag mamadaling sabi ni Myleen sa kaibigan nito... "Sige na baka kanina pa nag iintay dun ang only love mo, Yuck! corney" patawang tugon ni Pam... Makulimlim ang panahon, masayang umupo si Myleen sa bench, sa may ilalim ng puno. Dama ni Myleen ang hangin na dumadampi sa kanyang mga balat at animoy sumasabay sa pag t***k ng kanyang puso sa kasiyahan. Ang tag puan nila Myleen ay saksi sa kanilang pag mamahalan. Mag lilimang taon na silang mag kasintahan, dito unang nakilala ni Bingo si Myleen, dito din ibinahagi ng binata ang saloobin nya kay Myleen, dito din tinangap ng dalaga ang pag ibig ni Bingo... Habang nagingiti si Myleen sa pag alala ng mga masasayang nag daan nila ni Bingo, di nya alintana ang pagdating ng kasintahan mula sa kanyang likuran, bahagyang nagulat sya sa pag dampi ng malambot labi nito sa kanyang pisngi, sabay "i love you".... "ikaw talaga, nagulat ako" pangiting sabi ni Myleen, habang patabing umupo si Bingo na me dalang supot ... "sensya na ha, kanina ka pa ba?" " di naman"..." Ang haba kasi ng pila sa Canteen, here, isa lang kunin mo ha, tag isa tayo jan baka ubusin mo lahat ...ha ha ha ha." " ay grabe sya sa akin oh! ha ha ha" nga pala babe si Pam nag aaya sa kanila next week, dadating daw yung sister ng mama nya, mag pa pa welcome party sila, parang sa Wednesday ata." "ata? hysst ayan na naman sya memory gap ha ha ha" ..... "sus nag salita ! mana lang ako sayo..ha ha ha" Habang masayang kumakain ang dalawa, naalala ni Bingo ang purpose nya kung bakit sya nakipag kita ke Myleen sa tambayan nila. Binaba ni Bingo ang kinakain sa kanyang tabi at kinuha ang maliit na box na red at me ribbon ito sa ibabaw, habang busy si Myleen sa pag kain nya. Binuksan ni Bingo ang box at "babe, will you marry me? di nakapag salita ang dalaga sa tinuring ni Bingo, nakatingin lang ito sa binata. "hoy! will you marry me?"...."yes ill marry you, but not now" nakangiting tugon ni Myleen...kinuha ni Bingo ang kamay ni Myleen at isiniot ang sing sing, nakangiti ito at hinalikan ang kamay ni Myleen at sabi "I know but I want us to be engaged for sure na sa akin ka lang at ako ay sayo" sabay tawa ng dalawa at niyakap ni bingo si myleen at gumanti din ang dalaga ng mahigpit na yakap at sabay hinalikan ni Bingo ang mapulang labi ng kasintahan at di na napigilan ng dalawa ng mag tama ang kanilang labi, ramdam nila ang pag mamahalan sa isat isa, at sa mga halik nag uumapaw ang kanilang mga puso at di nila namalayan ang pag patak ng ulan, hangang sa... "naku mababasa ang mga libro natin" nag mamadaling tumayo ang dalawa at patakbo sa hallway na malapit sa kanila upang sumilong. At ng silay nakarating sa hallway nag tinginan ang dalawa at nag tawanan sabay hinawakan ni Bingo ang kamay ni Myleen at napatingin sila sa pag buhos ng malakas na ulan.... Damang dama ng dalawa ang nag uumapaw na damdamin para sa isat isa kasabay ng pag buhos ng ulan, naisip ni Myleen na sana wag ng matapos ang ulan, naisip nya na napaka romantic iyon kasama ang kanyang mahal habang dama ang hangin at tubig na bahagyang dumadampi sa kanila, ang tunog ng pag patak ng ulan waring sumasabay sa pag t***k ng kanyang puso. Hindi nya napigilan ang kanyang damdamin, at nadala sya sa mga tagpo na iyon sa ulan kaya, hinalikan nya si Bingo at madiin iyon, tinugon naman iyon ng binata ng may diin at di nila alintana ang mga tao na naka masid sa kanila. Natigil lang iyon ng madinig na nila ang palakpakan at hiyawan ng mga tao at saka sila napatingin sa mga tao. Tumakbo palayo ang dalawa at sinugod nila ang ulan patungo sa sasakyan ni Bingo. Doon ay nag tawanan ang dalawa pag pasok sa kotse. Kinuha ni Bingo ang towel sa bag nito na nasa upuan sa likod at ini abot kay Myleen, at masayang umalis ang dalawa sa school...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD