Si Bingo di umuwi sa kanila, patuloy ito sa pag mamaneho, hangang naisipan nito na mag tungo sa Batangas sa rest house nila. Gabi na ng makadating sya dito. pinagluto sya ng makakain ng katiwala sa bahay, ngunit di din naman sya gaano nakakain. Galit na galit sya sa sarili nya, kung bakit sya naging marupok ke Carol. At galit din sya ke Carol. Umaga pa lang bago pa mangyari ang naganap kila Myleen walang tigil si Carol ng kakatawag sa kanya sa cellphone nya, txt din ito ng text sa kanya.di nya iyon pinapansin hangang sa nainis na sya at sinagot nya ang phone. Nang marinig nya ang sinabi ni Carol sa kanya na "i love you Bingo"... di nya iyon nagustuhan, at..." well, i dont love you Carol, i love Myleen so much and we're engaged already, and there is no way that i can love you. You have to understand that." sobrang sakit ang naramdaman ni Carol sa mga sinani ng binata. Nung mga oras na iyon ay parang sasabog ang kanyang puso sa sobrang sakit ng sinabi ni Bingo sa kanya. Ngunit di pa din tumigil si Carol ng kakatawag hangang sa galit na sinagot uli ni Bingo ang tawag ni Carol pero nakapag salita si Bingo ng sobrang sakit "you know what Carol, the hell with you! you're like a dog habol ng habol, isa kang malaking tinik sa buhay ko... do me a favor please get out of my life and i dont wanna hear or see you anymore so can u please stop bothering me." Doon nag simula si Carol na mag iiiyak.. at dahil natakot si Bingo na baka kung ano pa ang gawin ni Carol sa kanila ni Myleen kaya nag tungo ito sa bahay nila Myleen, upang ipag tapat na kay Myleen ang lahat, yun yung time na nakita ni Myleen si Bingo sa kotse nito sa labas ng bahay nila. Ngunit naunahan sya ni Carol at ngayon di nya alam kung paano nya mababalik ang tiwala ni Myleen. Nag pasya din sya na wag na muna tawagan si Myleen upang wag na makadagdag pa sa sama ng loob na nararamdaman ng kasintahan nito.
Ilang araw na ang lumipas di pa din bumabalik ng Manila si Bingo mas minabuti nya na mag stay muna sa Batangas dalawang araw na syang di nakakapasok sa ospital. Nag try sya na tawagan si Myleen ngunit di ito nasagot. Nag text sya dito pero di din nag re reply sa kanya. Nag aala na din sya ke Myleen inisip nya na sana nasa mabuting lagay si Myleen. Di din nya sinasagot ang mga tawag ng kanyang ina, pati ang mga text ng kapatid nito. At para matigil si Carol blocked ang number nito sa cp ni Bingo na lalo naman kinainis ni Carol.
Sa pag aalala ng ina ni Bingo nag pasya s Benjie na puntahan ang anak, lingid sa kaalaman ng lahat nag te text ang mag ama. Agad namang sinalubong ni Bingo ang ama ng dumating ito sa kanilang bakasyunan. Niyakap ito ni Bingo ng mahigpit ganun din naman si Bengie. Ipinag tapat ni Benjie na alam na ng mommy nito kung nasaan sya, ngunit dahil alam nila ang sitwasyon minabuti na lang ni Benjie na sya na lang ang pumunta at mahigpit na binilinan si Bernadeth na wag sasabihin o mabangit ang bahay bakasyunan nila kahit kanino, at naintindihan naman yun ni Bernadeth at ni Gina. Pag katapos nila kumain ng lunch ay nag usap ang mag ama sa veranda "Dad im sorry, I dont wann do things in trouble, but I did"... "I understand Bingo, so what is your plan? you cannot stay here for long. you have your school and also Myleen, and of course Carol she is so determined na pakasalan mo sya" nagulat si Bingo sa sinabi ng ama.."What do you mean dad?"... two days after na di ka umuwi sa bahay nag punta ang parents nya kasama si Carol and said na buntis si Carol at ikaw ang ama na ang gusto mangyari ni Carol eh panagutan mo sya." ..."wow! dad you u actually believe na buntis ang babae na yun?" ..."well me dala syang prenatal test, a result from a doctor that she is pregnant 3 weeks already" nalungkot si Bingo lalo sya ngayon na depress inisip nya si Myleen, pero paano ang bata na dinadala ni Carol walang kasalanan yun tanging sinisisi nya ay ang sarili nya..."it's my fault Dad, what have i done?" at umiyak na ito, lumapit si Benjie dito at niyakap nya ang anak..."ano ang gagawin ko dad?" .... "Be a man anak, do what you think is right, what ever your decision me masasaktan but thats life, we have to stand when we fall and fight not only for our selves but for others too. What ever your decision son we will always be here to support you okay."..."Thank you dad, and Im sorry."..."It's alright son"...
Tuloy ang buhay kay Myleen, patuloy ang pag pasok nya sa school malapit na ang graduation day nila, sa gabi di pa din nya mapigilan ang pag iyak. Patuloy pa din ang pagiging mag kaibigan nila ni Pam di din nababangit ni Pam ang mga plano ni Carol at magulang nito.
Dapit hapon na ng makadating si Myleen sa kanila galing sa school. Nakita na nya kaagad ang sasakyan ni Bingo. Pagbukas nya ng pinto naka upo si Bingo sa sofa, tumayo naman si Bingo ng makita nya si Myleen, naisip ni Myleen na pinatuloy ito ng kanyang ina, ayaw sana harapin ni Myleen si Bingo ngunit nais na din nya matapos kung ano man ang mga nararamdaman nyang bigat para sa kasintahan. "Babe, I'm sorry, sorry naging mahina ako, but babe i kaw ang mahal ko and i regret the moment na nagawa ko yun please believe me. Ikaw pa din ang gusto kong makasama habang buhay." pagka rinig ni Myleen ng habang buhay, tumingin ito ke Bingo "habang buhay? maiintindihan ko yan kung minsan mo lang nagawa Bingo, pero hindi eh! madaming beses, hindi ko na nga kayang tignan ka pa eh. San ako nag kamali, ano nagawa ko sayo, bakit?" lumuluha na si Myleen, " and worse, binuntis mo pa sya"..."I'm sorry, please babe, I'm sorry" hinawakan ni Bingo ang kamay ni Myleen, ngunit hinawi nya ito at " ang sakit Bingo, sobra...di ko alam kung san ako nag kulang, me mali ba sa akin, ano nagawa ko, bakit ganun, bakit?" at humagulgol na ng iyak si Myleen. agad na nilapitan iyon ni Bingo at niyakap, "wala kang mali babe, sshhh...please babe wag ka na umiyak, its not your fault its my fault" umiiyak na din si Bingo, sobrang iyak naman si Myleen halos mabasa na ang damit sa dibdib ni Bingo sa iyak ni Myleen. Nadidinig iyon ng kanyang ina ngunit hinayaan nya ang magka sintahan na makapag usap, kaya minabuti nya na wag ng lumabas ng kwarto. "Babe promise di na mauulit yon please stop crying, babe i love you, i love you so much." pag kasabi nun ni Bingo bahagyang lumayo si Myleen sa kanya at tumingin sa mga mata ni Bingo, at umalis sa pag kakayakap ni Bingo, nakita nya ang mga luha sa mata ng binata at tumingin din si Bingo kay Myleen na me halong pag tataka. "Babe" bago pa maituloy ni Bingo ang sasabihin ay nag salita na si Myleen habang pinupunasan nito ang kanyang luha, "i love you Bingo, alam mo yan, and i do want to spend my life with you", sabay kuha ng sing sing na suot nito at inabot sa kamay ni Bingo..."But you have to think what is right, don't make another mistakes again. If God want us to be together, mang yayarit mangyayari yun, but for now gawin natin yung tama" tumulo ulit ang luha sa mata Myleen, at ganun din si Bingo. "We been together for so many years at alam mo ang naramdaman ko na walang ama, ayokong ako ang maging dahilan nun para sa anak mo. I love you God knows how much i do love you, and i know pareho tayong masasaktan, at mas masakit to sobra sa akin, but you have to do what is right." tumayo na si Myleen at "thank you, thanks for loving me" humakbang na ito palayo ke Bingo ng biglang hinawakan ni Bingo ang kamay ni Myleen. " Babe, I'm sorry" ngunit di na nag pa pigil si Myleen lumayo na ito patungo sa kanyang silid. Di napigilan ni Bingo ang kanyang pag iyak, at duo'y lumabas si Elaine, nilapitan nito si Bingo..hinaplos ni Elaine ang likod ni Bingo upang pa kalmahin ito sa pag iyak. " Tita I'm sorry, im sorry Tita" tumungo naman si Elaine. Nang huminahon na ito ay nag pa alam na sya ke Elaine, "thank you Tita "..."thank you din Bingo for loving my daughter alam ko kung gaano nyo kamahal ang isat isa, but we have to respect ang decision ni Myleen. I hope na iintindihan mo sya" .."yes Tita, alis na po ako, thank you po ulit" at humalik si Bingo ke Elaine...
Si Myleen naman patuloy pa din sa pag iyak, minabuti ni Elaine na mag dala ng paborito ni Myleen na chocolate cake sa kwarto nito... "Myleen, iha " inilagay ni Elaine ang dala sa side table at umupo ito sa kama ni Myleen, hinaplos ang buhok nito "Myleen, tahan na anak, im so proud of you, sa decision na ginawa mo, well maybe God has a plan for you, a good plan, kaya nangyari ito. Remember what i told you lagi, that in everything na nagyayari sa life mo pangit man ito o maganda, pinayagan yun ni God kasi alam nya kung ano mas makabibuti sayo, because ...at nag sabay silang mag sabi ng..."God always have a better plan for you" at umupo na din si Myleen at yumakap sa ina. "thank you Mom" Pinunasan ni Elaine ang mga luha ni Myleen at ngumiti ito. "Tahan na ha, papangit ka sige ka" at ngumiti na si Myleen. Kinuha ni Elaine ang cake at inabot ke Myleen "Oh di ba me masarap na cake pampa lubag loob" at nag tawanan ang dalawa.
Pag uwi ni Bingo inabutan nya sa sala ang kanyang Ina at si Carol, humalik sa ito at "Bingo its better na makapag usap kayo" Tumingin ito ke Carol at i ibinaling ang tigin sa ina, "Mom kayo na po ang bahala, Carol what ever your decision pumapayag na ko" nagulat si Gina sa sinabi ng anak, at napa tingin ito ke Carol, nakita nya ang tuwa sa reaction ni Carol, di na kapag salita si Gina, nais nya sana sabihin sa anak na pag isipan nya ulit ang decisyon nito, ngunit nabigla ito at di na nakapag salita, agad namang umalis si Bingo at nag tungo sa kwarto nito. Sinundan ni Carol si Bingo sa kwarto nito di na napigilan ni Gina si Carol dahil sinagot nito ang telepono si Benjie ang tumatawag, naikwento na nya sa asawa nag decision ni Bingo. Samantala si Carol ng pumasok sa kwarto ni Bingo nakita nya si Bingo na nakahiga sa kama nakatagilid ito at yakap ang unan para iyong bata na naka baluktot sa pag kakahiga. Agad na lumapit si Carol, "thanks Bingo, promise you won't regret your decision." wala ng lakas pa si Bingo para sumagot ke Carol, at nasa ganong tagpo ng maabutan ito ni Gina, at hinila nya si Carol palabas ng room ni Bingo, "Let him be Carol, anyways he already agreed to want you want okay! at sumunod naman si Carol ke Gina.
Napag desisyonan ng magulang nila Bingo at Carol na sa Canada na lang ito ikasal tutal kailangang makabalik na si Carol sa Canada, gayun din ang kanyang mga magulang. Pumayag naman ang parents ni Bingo dahil naisip din nila na chance na din nila yun para makapag bakasyon at ng makilala pa nila mabuti sila Carol. Mauunang umalis sila Carol pa tungong Canada at susunod na lamang dun ang pamilya ni Bingo.
Lumipas ang mga araw, nakahanda na ang lahat para sa pag alis nila Bingo duon na ipag papatuloy ni Bingo ang pag aaral ng medisina at upang makalimutan na din ang mga pangyayari sa kanila ni Myleen, ika nga kailangang mag move on.... Nais sana ni Bingo na mag pa alam ke Myleen ngunit minabuti na lang nya na wag nang gambalahin si Myleen. Ang araw ng pag lisan ni Bingo ay sya ding araw ng graduation ni Myleen at Pam.
Habang nag ma marcha sila Myleen at Pam pasakay naman ng eroplano si Bingo...." naisip ni Myleen sana kasama nya si Bingo sa araw na ito, halong saya at lungkot ang nababalot sa mukha ni Myleen, "hoy! cheer up, dapat masaya tayo no tapos na ang pag hihirap natin sa kaka memorized ng mga medical term ha ha ha ha, at biro mo naka pasa ako, ha ha ha"...napatawa naman ni Pam si Myleen..."Saka kalimutan mo na yun, by this time nakasakay na yun sa eroplano patungong Canada"...nagulat si Myleen sa sinabi ni Pam.."what?"..."Im sorry besh, di ko na sinabi sayo para di maka gulo sa pag aaral mo, and also for you to move on. And ngayon ko lang din sasabihin sayo na sorry talaga besh sa ginawa ng pinsan ko. ayoko masira ang friendship natin dahil lang don sana besh di ka galit sa akin." ...ngumiti si Myleen, "bat naman ako magagalit sayo eh love kita !"...at nag yakapan ang dalawa...Samantala si Bingo nasa loob na ng eroplano, naiiyak ito habang pataas na paglipad ng eroplano. Naisip nya si Myleen sobra syang nasaktan sa nangyari sa kanila. Di man lang nya nasilayan si Myleen bago sya umalis pati kay Elaine na naging ina na din nya nang mga panahon na mag kasama sila ni Myleen, bumabalik sa kanya ang masasayang araw na kasama nya ang kasintahan na ngayon ay wala na na tuluyan.
Matapos ang graduation ni Myleen, minabuti na nya na matulog na para wag na maisip si Bingo, ngunit habang pinipilit nya matulog ay lalo namang naiisip nya ito, lumuluha na si Myleen dahil alam nya na kahit kailan ay di na nya makikita si Bingo, wala na ang kanyang minahal ng napakahabang panahon. Di na mamalayan ni Myleen ang pag daing ni Elaine, sobrang sakit ng ulo nito, uminom na ito ng gamot ngunit di pa din nawala ang sakit, this time namimilipit na ito sa sakit, at sa sobrang sakit na naramdaman nya ay napalakas ang dain nito, dahilan para mapatayo si Myleen sa kama at tinungo ang kwarto ng ina. Nakita nya ang ina sa aktong inuuntog ang kanyang ulo sa side table nito. "Mom no!" hinawakan nito ang ulo ng ina..."Mom saan masakit?" "ang sakkkiiit ahhhh"...hinilot hilot ni Myleen ang ulo ng ina, ngunit napasigaw na si Elaine sa sakit. agad na tumayo si Myleen at kinuha ang susi ng kotse."inalalayan ang ina patungo sa kotse para sumakay. "Mom we need to go to the hospital" habang patungo sila sa ospital, tinawagan ni Myleen si Carol at sinabi ang nagyari, at mag kikita na lang sila sa ospital. Samantala si Elaine naman ay di mapakali ng posisyon dahil sa tindi ng sakit ng ulo nito halos iuntog na nya ang kanyang ulo sa gilid sa window ng sasakyan. nag dugo na ang noo nito..." Mom stop it!" Umiiyak na si Myleen.."Mom where almost there okay, please Mom", hangang sa nawalan na ng malay si Elaine, ng makita ito ni Myleen agad na inihinto nya ang kotse"Mom, mommy!" lalo itong naiyak, tinignan nya ang pulso nito, at alam nya na buhay pa ang ina,kailangan nyang maging matatag at bumalik sya sa manibela at pinaandar patungo sa ospital..."Mom please dont leave me" umiiyak ito habang nag da drive. "Mommy please, God please wag po ngayon, wag po muna ngayon, please Mom wake up." nakadating na sila sa ospital nandun na din si Pam sinalubong sya nito. Agad namang dinala si Elaine sa emergency room at duon binigyan sya ng assistance na kailangan ni Elaine. Si Pam naiyak na din ngunit niyakap nya si Myleen para ma comfort. Na ririnig nila ang sinasabi ng doctor habang ina assist ang ina, nag kakagulo na sa e.r. nilagyan si elaine ng para sa oxygen. napansin ng nurse ang monitor na straight line, chineck ng doctor ang pupil ni Elaine, wala na si elaine, lalong nag iiyak si Myleen, nag try pa din ang doctore na i revive si Elaine, 3 attempt ngunit wala na talaga. Lumabas na ang doctor at kinausap si Myleen, "I'm sorry",, agad naman nilapitan ni Myleen ang mommy nito at ..."Mom, wake up , mommy please"... inaawat ni Pam si Myleen, awang awa sya dito, halos mag kanda sigaw na si Myleen sa pag iyak. Lahat ng luha na nag uumapaw sa dibdib ni Myleen ay nailabas na nya..."Mommy, mom pano na ko? mam di ko pa kaya please gumising ka, Mommmm". Minabuti ni Pam na ilayo na muna si Myleen para mahimasmasan at maka pag isip ng tama. "Pam wala na si Mommy pano na ko?"humahagugol si Myleen sa pag iyak. "Myleen makinig ka kailangan mong maging matapang, mag pa katatag ka, please Myleen madami ka pang dapat asikasuhin, please be strong and back to your senses yun ang gusto ng Mommy mo okay!."