Kabanata 4

1012 Words
CHRISTIAN'S POV [2006] Iyak ako nang iyak dahil wala na si Arnie. Namatay kasi ang Mama niya. Pagkatapos ng libing, kinabukasan ay lumuwas na siya sa Maynila kasama ang pamilya niya para doon mag-aral. Nanlumo talaga ako sa mga oras na 'yon at hindi umuwi. Sigurado akong hinahanap na ako ng aking Mama at papagalitan ako no'n kapag mahanap niya ako. Pero habang naglalakad ako ay tatawid sana ako sa kabilang kalsada ngunit may nakasalubong akong isang bisikleta. Buti nakaiwas ako ngunit sumakit naman ang kaliwang braso ko. "Aray!" napahiyaw at napa-iyak ako sa sakit. "Ayos ka lang bata?" tanong sa 'kin ng isang lalaki, ang may-ari ng bisikleta. Napatingin naman ako sa lalaki at hindi ko ito kilala. Ngayon ko lang nakita ang itsura niya. Mga nasa ka-edaran yata 'to ni Kuya Edwin. Gwapo naman pero may kapayatan. Kamukha at katindig niya si Vhong Navarro. Yung miyembro sa Street Boys. Pero iyak lang ang isinagot ko sa tanong niya. "Naku bata! May sugat ka sa braso. Sorry. Teka lang..." narinig kong sabi ng lalaki at umalis na siya. Umiyak lang ako ng umiyak pero walang nakakapansin sa akin. Wala kasing taong dumadaan. Pero nakita kong bumalik ulit yung lalaki at may dala siyang cotton, band aid at isang maliit na bote. "Akin na ang braso mo." sabi sa 'kin ng lalaki. "B-baka po mahapdi 'yan." tugon ko rito. "Hindi 'yan bata. Akong bahala sa 'yo." nakangiting sabi niya na lalong nagpagwapo sa kanya. Dahil sa nakakasilaw niyang ngiti ay napatulala ako. Hindi ko nga namalayang nililinis na pala niya ang sugat ko. "Okay na bata." sabi sa 'kin ng lalaki. "Ah... s-salamat po." tugon ko sa kanya. "Saan ang bahay mo? Ihahatid kita pauwi sa inyo." tanong niya. "Ayoko. Ayoko pong umuwi." malungkot kong sagot. "Ha? Bakit naman?" nagtatakang tanong niya. "Wala na akong kaibigan. Nasa Maynila na siya. Wala na akong kalaro. Dito lang ako sa labas." malungkot ko pa ring tugon. "Wala ka bang ibang kalaro sa bahay niyo o kahit sa kapitbahay man lang?" tanong niya. "Wala. Yung mga bata na malapit sa amin ay inaasar nila akong bakla. Kahit na ang dalawa kong kuya." sagot ko. "Bakit ka naman nila inaasar na bakla ka? Hindi naman totoo na bakla ka, 'di ba?" aniya. Napayuko naman ako. "Totoo ba?" tanong ulit niya. Napatango na lang ako. "Opo. Bakla nga po ako." Hindi ko alam kung bakit ko 'yon inamin sa kanya. "Pero 'wag niyo pong sabihin kay Mama na bakla ako." Napakunot ang noo niya. "Bakit naman? Anong masama sa pagiging bakla?" "Baka po kasi pagalitan niya ako. O baka gamitin niya 'yon kapag galit siya sa akin." paliwanag ko sa kanya. Huminga naman siya nang malalim. "Sige, naiintindihan kita. Secret lang natin 'yon. Pero kailangan mong umuwi sa inyo. Baka nag-aalala na ang Mama mo." Tumango ako. "Sige po. Pero may isang request po sana ako sa inyo." Tumingin muna siya sa akin nang matagal. "Ano naman ang request mo?" "Gusto ko pong sumakay sa bisikleta niyo. Gusto ko pong libutin ang buong lugar na 'to." ang request ko. Lumapit naman ang lalaki sa kanyang bisikleta at hinawakan ito. "'Yon lang ba bata? Sige, pagbibigyan kita." Lumapit siya sa akin at binuhat niya ako para isakay sa bisikleta. May upuan ito na gawa sa kahoy sa may gitna. Sumakay din siya at pinaggigitnaan ako ng dalawang braso niya. Ramdam ko rin ang kanyang dibdib na parang niyayakap niya ako. Pagkatapos ay pinaandar na niya ang bisikleta. "Woohoo!" masayang sigaw ko. "Yeeeeessssss!" masaya ring sigaw ng lalaki. Mas binilisan pa ng lalaki ang pagmamaneho sa bisikleta niya. "Yahoooooo!" Nang mapagod kami ay nagpahinga muna kami. May inabot sa akin ang lalaki. "Bata, ito ang ice cream mo." "Salamat ko." tugon ko at kinuha ko sa kanya ang ice cream. Meron din siyang ice cream at sabay namin 'yon nilantakan. "Saan pala ang bahay niyo?" tanong niya habang dinidilaan ang ice cream. "Sa may kabilang kanto lang po." sagot ko sa lalaki. "Teka, kanina pa po tayo magkasama pero hindi pa po natin alam ang pangalan natin sa isa't isa. Ako nga po pala si Christian. Ikaw po? Ano pong pangalan niyo?" Natawa naman siya. "Hindi mo na kailangang malaman pa ang pangalan ko." "Bakit naman po? Ano pong itatawag ko sa inyo?" malungkot kong tanong. "Dahil sa susunod ay hindi na ulit tayo magkikita pa. Nagbabakasyon lang ako rito. Bukas ay uuwi na ako." sagot niya na mas lalo ko pang ikinalungkot pa. "Tagasaan po kayo? Para mapuntahan ko po kayo." tanong ko. Ngumiti siya at pinat ang ulo ko. "Malayo ang bahay ko. Aabutin ka ng isang taon bago makarating. Mas lalong mag-aalala ang Mama mo." "Gano'n ba?" naging reaksyon ko lang. "Ubusin mo na 'yan para maihatid na kita sa inyo." aniya. Nang maubos na namin ang ice cream ay hinatid na niya ako pauwi. "Ayun po ang bahay namin." sabay turo ko sa aking tirahan. Nang makarating kami sa bahay ay nando'n nga si Mama, galit na galit. Pero buti na lang at tinulungan ako ng lalaki. Pinaliwanag niya ang nangyari kaya hindi na ako napalo pa ni Mama. Sinermunan niya lang ako na 'wag ko nang uulitin 'yon. "Dito ka na kumain sa amin kuya. Pwede bang kuya na lang ang itawag ko sa 'yo? Hindi mo naman sinasabi ang pangalan mo." ani ko. Ngumiti siya bago sumagot. "Hindi na. Kailangan ko pang maghanda para sa pag-uwi ko bukas. Sige, aalis na ako. Pakabait ka bata. 'Wag na 'wag mo nang uulitin ang ginawa mo. Kung may problema ka ay sabihin mo agad sa magulang mo." "Sige po." ang tugon ko. Ginulo niya ang buhok ko at tumalikod. Pero bumalik ulit siya sa akin at may sinabi na nagpatibok sa aking puso. "Ferdinand ang pangalan ko. Tawagin mo na lang akong Vhon paglaki mo." sabay kindat niya sa akin at umalis na siya. *heart beats* Napahawak ako sa aking dibdib at ramdam ko ang t***k nito. Parang may nararamdaman akong magkikita ulit kaming dalawa. Hindi man ngayon, bukas o makalawa. Baka sa tamang panahon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD