CELESTINE "This is it. Goodluck, Girl!" Ngayon araw nakatakda ang interview ko kaya gano'n na lang ako ka-excited. Medyo kinakabahan ng konti pero keri lang. Mas nangingibabaw ang kagustuhan ko at ang kasiyahan ko sa muli naming pagkikita ni Sir Kim. Ang aga kong gumising para mag-prepare. Pinili ko talaga ang isusuot kong damit kung saan sa tingin ko ay maganda ako. Gusto ko kasing mapansin niya ako. Sayang din ang ganda ko kung hindi ife-flex. Naks! Kanina pa akong nakaharap sa salamin. Panay ngiti ko at kinakausap ang sarili. Pinaparaktis ko rin ang mga sasabihin ko sa muli naming pagkikita ni Sir Kim. Almost two months ko na siyang 'di nasilayan kaya naman ganito ako ngayon parang 'di mapakali. "Celestine, andito na ang Tito Arman mo. Bilisan mo na diyan at baka ma-late ka sa inte

