CHAPTER 2

1915 Words
CELESTINE OFFICIAL FIRST DAY OF DUTY Last minute na ako dumating. Mabuti na lang talaga at umabot pa ako. Lintek kasing bus na nasakyan ko ang bagal pa sa pagong. Hindi ko kasabay si Tito Arman sapagkat restday niya ngayon. Mag-isa lang akong pumasok. Maaga na nga ako umalis sa bahay pero wala pa rin. Halos takbuhin ko na para lang umabot. Hingal na hingal ako nang dumating. Sa pagmamadali ko ay hindi na ako nakapag-ayos pa. Wala na talaga at hindi na kaya. Gahol na gahol na ako sa oras. Naabutan ko ang mga kasama kong papasok sa isang kwarto. Nagmadali akong sumunod sa mga ito. Ipinatawag daw muna kami ng HR Manager para sa isang briefing bago kami magstart ng duty namin. Pinapasok kami ng isang babae sa isang kwarto. May kalakihan din iyon at ang una ko agad napansin ay 'yong lamesa kung saan may nakalagay na pangalan nito. Mr. Kim Jason Morales --- Human Resource Manager. So, ibig sabihin ay nasa opisina kami mismo ng HR Manager. Pero nasaan siya? Wala naman ito roon. Ni anino nito ay wala kaming makita. Bakante ang lamesa nito. Ipinatawag kami tapos wala naman ito. "Ano 'to joke?" nasabi ko sa isip ko. Lalo tuloy akong na-curious. Ano kayang itsura nito? Gwapo kaya? Matangkad? Yummy? Mas na-excite ako bigla. Parang gusto ko na siyang makita. Ilang sandali pa ay bumukas muli ang pinto ng opisina. Sabay pa kaming lahat na napalingon dahil do'n. Pumasok muli ang babaeng nagdala sa amin doon. Kasunod niyon ay pumasok naman ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang pinaka-gwapong HR Manager na nakita ko. My God! Totoo ba 'to? Nag-heart heart agad ang mata ko nang makita ko siyang pumasok. Naramdaman ko agad na nanghina bigla ang tuhod ko. Parang gusto ko na lang bumagsak sa kinatatayuan ko. Hindi ko siya nilubayan ng tingin. Sinundan ko ang bawat galaw niya. Maging ang ekspresyon ng mukha nito. Napakaseryoso at halatang may pagkasuplado. Swabe ang mga galawan. Bagay na bagay dito ang suot nitong long sleeves na kulay puti na nakatupi hanggang siko na halos hapit na hapit sa katawan nito. At infairness dito maganda ang hubog ng katawan nito. Naka-bukas din ang butones sa may bandang dibdib nito. And I can see a glimpse of his broad chest. At mukhang maputi at makinis din ito. Lihim akong kinilig. Napapangiti sa ginagawa kong pag-obserba. Maging ang iba ko pang mga kasamahang ojt na mga babae ay pawang gano'n din ang reaksyon. Halatang 'di maitago ang sobrang kilig. Sino ba naman kasi ang hindi kikiligin sa kagwapuhang nasa harap namin? Apaw na apaw ang gandang lalaki pati na ang s*x appeal nito. Pwera na lang kung beki rin ang mga lalaking co-ojt ko. Juskolord! Parang ayoko nang magising kung panaginip lang ito. Hindi talaga ako makapaniwala na gano'n ka-pogi ang HR Manager. Parang hindi bagay dito ang maging HR Manager lang. Mas bagay dito ang maging CEO ng isang malaking kompanya. Mga ganoong tipo dapat. Ang lakas kasi ng dating nito. Tuloy-tuloy itong naupo sa lamesa nito. Ni hindi man lang kami tinapunan ng tingin. May kung anong mga naka-folder ang agad nitong pinagbubuklat at binasa. Hindi ko alam kung nakita niya kami. Sa dami ba namin na naroon. Ni isang sulyap ay hindi nito ginawa. Ni hindi niya rin kami tinapunan ng tingin. Hindi yata kami nag-e-exist sa paningin nito. Samantala ang babae namang naunang pumasok ay nakatayo sa tabi ng lamesa nito. "Good morning everyone. I want you to meet our HR Manager, Mr. Kim Jason Morales," pakilala ng babae sa boss nito. Aka Mr. Pogi para sa akin. "Good morning, Sir!" Sabay-sabay pa naming bati rito. Tumango lamang ito bilang pag-acknowledge sa amin pero hindi pa rin ito tumitingin. Nakatuon pa rin ang tingin nito sa binabasa. Ni hindi rin yata ito marunong ngumiti. Still, there is a seriousness on his face. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin nagbabago at nababawasan ang kagwapuhan nitong taglay. Mas lalo pa nga iyong dumagdag sa pagiging misteryoso nito. Paano pa kaya pagnaka-ngiti na ito? Baka nahimatay na ako sa kinatatayuan ko. Pinaikot niya ang swivel chair na inuupuan niya. Nakasunod lang ang mga mata namin sa bawat galaw na ginagawa niya. Nang saktong tumigil iyon sa harap namin ay tuluyan na ring lumabas ang babae. Naiwan kami na hindi alam kung anong susunod na gagawin at mangyayare. Maya-maya pa ay tumikhim pa ito. Nag-hahanda na itong magsalita. Finally! Isang naka-ngiting mukha ang iniharap nito sa amin. Dahil do'n ay saglit akong nawala sa katinuan. Nalaglag yata ang puso ko ng wala sa oras. Kasama rin yata ang panty ko. Char! "Kamusta kayo?" tanong nito sa baritonong boses nito. Naks! Nakaka-inlove ang boses. Lalaking-lalaki! "Mabuti naman, Sir," sagot ng ilan. "Okay lang po," sagot naman ng iba. "That's good. Anyway before you start sa duty ninyo I want you all to be familiarize with the hotel rules and policies. Alam ko na-discuss na 'to ni Michelle sa inyo no'ng orientation pero gusto ko lang na i-recap kayo. Gusto ko lang din ma-refresh sa isip niyo. Baka kasi makalimutan niyo na. Alam niyo naman siguro na Hotel Trevino is not just an ordinary hotel. It has an image and reputation na pinangangalagaan and we want to give and to ensure our beloved guest with an excellence hotel experience," sabi nito sa ma-awtorisadong boses sabay na umiikot ang paningin sa amin. Lahat yata kami ay pinadaanan niya ng tingin nito. At gustong kilalanin ang pagmumukha ng bawat isa. "Na-gets niyo?" "Yes, Sir!" Tumango naman ang iba. "As an OJT, you are off limits of anything and everything here in the hotel unless you are being authorized by any of the hotel staff. And I know lahat kayo ay alam na iyon at may alam na pagdating sa mga bagay-bagay na ginagawa rito sa hotel dahil sa pinag-aaralan niyo 'yon 'di ba?" "Yes, Sir!" sagot naming lahat. "Good. You are just applying what you have learned in school. So, I hope you will do your best, okay?" Nasa kanya pa rin ang mga mata ko.Nagpatuloy ito sa pagsasalita. Ilang sandali pa ay tumayo ito mula sa pagkakaupo niya at lumipat sa harap. Napaupo ito sa lamesa. Inilagay ang mga kamay sa bulsa. Seryoso na naman ito pero ang gwapo pa rin. Maging ang way ng pagsasalita nito pati ang mga galawa nito ay napaka-tantiyado. 'Yong tipong agaw pansin at hindi talaga kayang hindi panoorin. He easily captured every girls attentions lalo na ako. "Hay! Ang pogi ni Sir Kim." Narinig kong sabi iyon ni Louvel kay Cheng. Nasa likod lang kasi ako ng mga ito. "Oo, nga," kinikilig ding sang-ayon ni Cheng. Napasimangot ako ng marinig ko iyon. Mukhang bet din ng dalawa si Mr. Pogi este si Sir Kim. May balak pa yatang maging karibal ko ang mga ito. Itinuon ko muli ang pansin ko sa poging HR Manager. Tuloy pa rin ito sa pagsasalita. Ine-explain nito ang mga hotel rules na dapat naming sundin pati na ang mga bawal. Ang sarap talagang pakinggan ang boses nito! Napangiti ako sa naisip ko habang nakatitig sa kanya. Wala na akong pakialam sa sinasabi nito. Hindi ko na masyadong iniintindi iyon. Wala na ang konsentrasyon at atensyon ko sa pinapaliwanag nito. Lumalakbay na kasi ang utak ko sa kung saan kasama si Mr. Pogi na nasa harap namin. Natulala na lamang ako habang nakatingin sa kanya. Wala na ako sa sarili sapagkat nangangarap na ako ng gising kasama ito. "And the last thing that you must do is to pay attention to what I'm saying here. Hey you!" Nagulat ako nang marinig ko iyon. Bumalik ako sa katinuan ko. "Hey, you!" ulit muli ng HR Manager. Naging alerto ako nang marinig iyon. Nagtaka ako kung sino ang tinatawag nito. Napatingin ako sa tabi ko pero napansin ko na sa akin sila lahat nakatingin as in lahat. Lahat ng mga mata nila ay nakatuon sa akin. Kinabahan ako bigla. Napangiti ng alanganin. Hindi ako sure kung ako ba talaga. Naku patay na! Napilitan akong Itinuro ang sarili ko kahit medyo kinakabahan at naguguluhan ako kung ako ba talaga ang tinatawag. "Ako po ba?" tanong ko na diritsong tumingin sa HR Manager. Nagsalubong ang mga tingin naming dalawa. Mukhang ako nga talaga. Seryoso ang mukha nito at naka-ngunot din ang noo nito. Maging ang kilay nito ay salubong din. Halatang hindi nito iyon nagustuhan. "Yes, ikaw nga! I'm observing you kanina pa and I think you are not paying attention to what I'm saying here. Mukhang 'di ka naman interesado sa mga sinasabi ko," saad nito na may bahid ng disappointment sa tono ng pananalita nito. Nakadama ako ng hiya dahil do'n. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kasalanan ko naman kasi talaga. "I'm so sorry, Sir," nasabi ko na lang. "I have nothing to do with you. Bahala ka na. I warn you. I will be monitoring you." Tumango na lang ako saka yumuko. Sobrang nakakahiya. Sa first day pa talaga. Sa mismong harap ng mga kasamahang kong mga ojt. At ang mismong HR Manager pa ang nakahuli sa akin. Nasampulan tuloy ako ng wala sa oras. How sad! Natameme ako. Mukhang wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanila. Lalo na sa HR Manager. Hindi ko na alam kung paano ko ibabangon ang confidence pati na sarili ko after ng nangyare. Tapos na kaming i-group into five with three members each. Napakamalas ko sapagkat sina Cheng at Louvel agad ang mga makakasama ko. Sa lahat ba naman ng pwedeng makasama sila pa talagang dalawa. No choice tuloy ako. Ayoko namang mag-inarte pa. Baka sabihin pa nilang choosy pa ako masyado at may isyu ako sa kanila. Bad shot na nga ako sa HR Manager namin tapos mag-a-attitude pa ako. Special ka, Girl? Halata rin sa dalawa na 'di rin nila ako gustong makasama. Ni hindi nga nila ako pinapansin. Lumabas na talaga ang tunay na ugali ng mga ito. Nagbubulungan pa ang mga ito at sa akin pa nakatingin. Ako talaga pinag-uusapan nilang dalawa. Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung sana ka-grupo ko na lang si Tonet mas magiging komportable pa ako. Kaso iba ang ka-grupo nito. Wala na akong magagawa pa do'n. Gagawin ko na lang ang lahat para pakisamahan ang dalawa kahit alam kong malabo kaming magkakasundo. Kahit na hindi madali ay gagawin ko. Iisipin ko na lang na matatapos din ito. Sa housekeeping department kami unang na-assign na tatlo. Every week niyon ay magkakaroon kami ng rotation para lahat ng department ay madaanan namin. "Okay, you can now proceed to your designated areas. Someone from each department will supervise you. Sila rin ang tutulong sa inyo. Goodluck," anito at nagsimula nang maglabasan ang ilan. "Hey!" tawag muli ng HR Manager. Napalingon pa kami na mga huling lalabas. Nagkatinginan pa kami at sabay-sabay na lumingon. "Ikaw." "Sino po, Sir?" tanong ni Louvel. "That girl with pony tailed hair," sagot nito. Muli kaming nagkatinginan. Ako lang ang naka-pony tail doon sa mga naiwan. "Ako po?" tanong ko pa. "Ikaw nga, boba," inis na saad ni Louvel. "Ikaw lang naman ang naka-pony tailed sa atin so malamang ikaw nga 'yo'n. Hay!" Saka nag-walk out palabas. "You remain," anang HR Manager. Nagtataka akong nanatili roon. Nakalabas na ang lahat at sarado na rin ang pinto. Kaming dalawa na lamang ang nandoon. Kinabahan na naman ako. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinaiwan. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Tinignan ko lang siya. "Bakit po, Sir?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD