CELESTINE 2ND DAY Kasalukuyan na akong nakaduty. Kanina pa akong nakaharap sa computer ko at ginagawa ang mga pinag-uutos ni Ma'am Michelle. Actually patapos na ako kaso hindi ako makapag-focus dahil kanina ko pang nahahagip sa gilid ng mata ko si Sir Kim na panay bukas ng pinto ng opisina nito tapos titingin dito sa pwesto namin. Akala siguro nito ay hindi ko nakikita at napapansin iyon sapagkat tutok ako sa ginagawa ko. Pero nagkakamali ito. Simula nang unang ginawa nito iyon ay naagaw na nito ang atensyon ko. Hindi nga lang ako nagpapahalata. Hindi ko alam kung bakit ginagawa nito iyon. Hindi ko rin alam kung may kailangan ba ito. Pwede naman niya kaming tawagin para gawin ang gusto nito. Para kasing hindi ito mapakali kaya panay bukas ito at titingin dito sa pwesto namin. Kung iisip

