Chapter 7

1155 Words
Tatlong araw ang nakalipas mula no'ng may nangyari sa aming dalawa ng unico-hijo ni Maam Olivia. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makaget-over sa gabing iyon. Wala na rin akong balita pa sa kaniya. I thought na kinidnap ako for ransom but i was wrong. Kinidnap ako para angkinin ang katawan ko. Alam kong masyado akong naging marupok nang gabing iyon kahit hindi siya ang unang lalaki na naka angkin sa akin, sa kargada na meron siya ay parang ramdam ko pa rin ang aking nawalang virginity na naisuko ko sa lalaking di ko kilala sa bar. The guy that was always haunted me. Ni hindi ko nga nakita ang mukha nito. Medyo may similarity sila ng boses ng unico-hijo na si Maam Olivia pero hindi ako sigurado. Nagulat ang lahat sa muli kong pagbabalik sa unibersidad. They thought na tuluyan na akong napatalsik. Hanggang ngayon ay wala parin akong ideya kung sino ang lalaking nag sponsor sa akin. Kung sinuman siya malaki ang utang na loob ko sa kaniya. “Miss Ri, i am glad to see you again!” si Professor Lin. Ngumiti ako sa kaniya. Napansin ko ang grupo ng mga bullies lalo na ang leader nila. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa gawi ko habang nagkibit-balikat. Pinagtsitsismisan nila ako pero wala akong pakialam. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Maam Olivia sa pagbabalik ko? Alam rin kaya ni Tristan? Iwinaglit ko nalang sila sa aking isipan. At dahil tatlong linggo akong nakapagliban sa klase ay binigyan ako ng notes ni Professor Lin sa mga nagdaan silang lessons. Ganonrin ang iba kong professor. Pagkatapos ng klase ay umuwi ako ng diretso sa boarding house na nirentahan ko. Nag-two months advance ako sa landlady. Do'n sana ako sa previous bh ko pero may nag-occupy na kasi. Mabait pa naman ang may-ari nun. “Can i sit beside you?” napaangat ako ng tingin habang nakaupo sa may swing. Nasa plaza kasi ako. Habang nag-uunwind ng isipan, pero dala ko ang notes na binigay ng mga professor ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang muli ko siyang makita. Ano'ng ginawa niya rito? “Ha?” pero umupo na siya sa tabi kong swing. Binuklat ko ang librong hawak ko. “Balita ko, may nagsponsor sa pag-aaral mo ah?” panimula nito. Nagkukunwari akong nagbusy-busyhan sa librong hawak ko. Alam niya? Sabagay anak siya ng may-ari ng unibersidad. “So happy?” tanong niya. Bahagya akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Pinagtritripan na naman ata ako nito. “Po?” maang-maangan ko pa kahit narinig ko ang sinabi niya. “Tss. I know you're listening. Pwede ba akong humingi sayo ng pabor?” biglang turan niya. Ano na naman kayang pabor ang hihingin niya. Baka may pinaplano na naman ang mokong na ito sa akin ah? “Can you be my date sa Valentines day?” napakunot ang noo ko. Ako? Marami namang mga babae diyan ah na pwede niyang alukin bakit ako pa? Mariin akong umiling. “Please! Ayokong makipagdate sa anak ng business partner ni mommy.” oy! Marunong pala makiusap ang lalaking ito. Agad na sumagi sa isipan ko iyong moment na nahuli ko silang dalawa ng pinsan niya habang naglalaplapan sa loob ng kwarto niya. Bakit di niya alukin yon? Alam kong may tinatago naman silang relasyon. “Bakit ako? Hindi ba't may fiance at girlfriend kana?” tanong ko. Biglang sumeryoso ang mukha niya. Bahala siya magalit. Di ako natatakot sa kaniya. “Ayoko sa kanilang dalawa. They are just my f**k buddies!” aba! f**k buddies talaga? Ako rin kaya? “Kahit pinsan mo iyong isa don?” kunot-noo kong tanong sa kaniya. Mariin siyang napalunok ng laway. At bigla nalang niyang tinakpan ang bibig ko at luminga-linga sa paligid. Halatang balisa. “Wag mo ulit babanggitin iyan. Baka may makarinig sayo at isumbong pa ako kay Mommy,” turan niya pa. Pero napakawalanghiya kasi they are blood related pero nagawa parin nilang makipaglaplapan sa isa't-isa. “What about your fiance? Bakit ayaw mo sa kaniya? Maliban sa f**k buddy mo rin iyon. Ano pang rason mo kung bakit ayaw mo siyang maging ka date sa valentines day?” “Kasi ayokong magalit iyong babaeng naangkin ko nang gabing iyon sa bar.” Deretsong sagot niya, napalunok ako ng laway. Naalala niya kaya? Na ako ang babaeng iyon? “Wag ng maraming tanong, Ri. Just answer me yes or no!” “Eh? Ano kaya magiging reaksyon o mararamdaman ng babaeng iyon kapag nalaman niyang ako ang inalok mong ka date sa nalalapit na Valentines day? Sa tingin mo ba, hindi siya magagalit sayo? ” “Dahil ikaw ay siya!” bulong niya sa tenga ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Paanong alam niya? Nagpaimbestiga kaya siya? O di kaya hiningi niya ang CCTV footage ng gabing iyon? Tangina lang! Naestatwa ako sa aking kinauupuan. I don't know what to say. Tatayo na sana ako pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko. “No you're stay with me hangga't hindi moko sinagot!” baritonong turan niya. Saglit siyang tumitig sa mga mata ko. “Please wag ako, iba nalang. Kasi wala akong oras para sa date na iyan. At tsaka paano kung makarating ito sa mommy mo?” “Okay sige, kung ayaw mong pumayag. Magpakasal nalang tayo,” nabubuang na talaga ang lalaking ito. “You are my first kiss at first s*x, Ri. At nasa rules iyan ng pamilya namin. Ang sinumang babae o lalaki ang unang makaangkin ay siya ang babaeng pakakasalan namin. You don't have any choice kasi kung ayaw mong pumayag na maging date ko, aaminin ko kay mommy na ikaw ang babaeng nakaone night stand ko nang gabing iyon.. whether she like it or not wala na siyang choice kundi ikasal tayong dalawa.” May ganong rules talaga? Iba rin talaga ang mga mayayaman. “Kahit hindi mo mahal?” Kinuha niya ang kamay ko at sabay itong hinalikan. “I already inlove with you before we met again nang gabing iyon, Ri.” Natameme ako sa naging sagot ko..hindi ko talaga inasahan. Mutual feelings pala kaming dalawa? Paano kung pinaglalaruan niya lang ako at pinaniniwala sa mga bagay na kailanman ay hindi mangyayari. Masasaktan lamang ako.. Should i take a risk? Wala rin naman akong pagpipilian pa. Ayoko pang maikasal sa kaniya lalo na't inaabot ko pa ang pangarap ko. At wala pa akong napapatunayan sa mga yumao kong magulang. “o sige, papayag na ako na maging ka date mo pero pagkatapos non ay kakalimutan mo na ako. At walang kasalanang magaganap?” Tumango siya sa akin. “Manumpa ka muna!” Inabot ko sa kaniya ang isang maliit na papel. Kaniya naman ito tinanggap at dahan-dahang binasa. “What the fvck? Are you fvcking serious?” napatayo siya. Iniwan ko na siyang nakatitig sa papel. Sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD