CHAPTER 9
Ilang minutes nakalipas, nagising na si Garnet…
“Ma? “ mahinang boses na tinawag ni Garnet ang ina.
“Garnet anak! Salamat at gising ka na.”
“Sweetheart salamat at gising ka.” Si Winston.
Naalala na ni Garnet ang nangyari kaya sumisigaw ito.
“s**t! Bakit nandito ka ha?!”
“Sweetheart?” nagtatakang tanong ni Winston.
“Umalis ka na! diba si Edelweiss mahal mo?! Anong ginagawa mo dito?” si Garnet.
“Asawa mo ako.” Si Winston na umiiyak.
“Asawa? Kalian pa?! kahit kalian hindi asawa ang trato mo sa akin!”
“Pero kasal tayo ng pitong buwan…”
“Pitong buwan lang akong kinasal Mr. Winston Alarcon! At ipamukha ko sayo, Hindi asawa tingin mo sa akin kundi isang bata na lagi mo lang pinaglalaruan ang damdamin ko!” maiyak iyak na sabi ni Garnet.
“Get out of my room!” sigaw niya ulit kay Winston.
Lumabas ang binata na umiiyak. Ang sakit pala.
Sa kabilang room, gising na rin si Edelweiss na may pulis na nakabantay sa kanya.
Alam na pala ng mga ito na pinaghahanap pala siya ng NBI sa Germany. Dinala na siya sa Germany upang harapin ang kanyang kaso at wala naman siyang natamong sugat maliban lang sa konting gas gas at galos lang sa braso at binti. Pagdating ng Germany, doon muna siya pinakulong sa tanggapan ng NBI at kinabukasan inilipat ito ng kulungan. Agad siya pinuntahan ng Ex wife ni Gerald at dinuraan sa mukha.
“This is what you’ve done to my daughter!” agad inilayo si Edelweiss para idinig na sa korte ang kaso niya. Agad siyang na identify ng kanyang step daughter na siya ang pumatay kay Gerald.
“She’s that woman! The witch who killed my father!” sabay turo ng bata kay Edelweiss.
Pagkatapos ng hearing, pinasok sa selda si Edelweiss na tulala. Pumunta siya ng CR at bigla itong nagsusuka. Naalala pala niya na 2 months delay na ang period niya.
Pinapunta ng mga police ang Doctor upang suriin si Edelweiss at tama nga kutob niya, buntis nga siya at si Gerald ang ama.
Sa bahay ng mga Andrade, after 2 days nakauwi si Garnet, panay naman ang pagsuyo ni Winston sa kanya ngunit it’s useless. Di niya pinapansin ang asawa.
“Garnet anak, maawa ka na kay Winston.” Si Margie.
“Ma, nagtiis ako ng tatlong buwan na mahalin niya anong ginawa niya? Pinahirapan niya ako and I think he deserve what I did to him this time.”
“Pero anak—“
“It’s over ma. I’ll file an annulment.” Si Garnet na nagmamartsa papuntang kwarto niya.
Sa BAR panay naman ang inom ni Winston kasama ang tatlo niyang kaibigan.
“Men, ang sakit!” habang nilalagok ang kanyang vodka.
“Pare tama na yan!” si Bryan.
“Mahal ko siya! Mahal ko siya! I’m so dumb and stupid!” nilagok niya ulit ang vodka.
“Pare may ipagtatapat ako.” Si Kristoff.
Marahas nilingon ni Winston ang kaibigan.
“Pare, mahal ko si Garnet. Nag bigay lang ako ng daan dahil ikaw ang mahal niya. Fight your feelings pare! We will support you.” Si Kristoff.
Samantala sa Hamburg Germany, Kumuha ng Muriatic Acid si Edelweiss.
Sa sobrang depress, she will commit suicide.
Luminga-linga muna si Edelweiss at agad niya ininom ang muriatic acid.
A few minutes, she’s screaming in pain at nakita ng kasamahan niya ang ginawa niya kaya agad nilang tinawag ang warden At dinala sa ospital si Edelweiss.
Pero mga ilang minuto,
Sabi ng doctor, she wouldn’t make it. Inihanda na nila si Edelweiss na any minute malagutan na ito ng hininga.
4 hours of agony, namatay na si Edelweiss at dahil ulilang lubos na si Edelweiss,
pinacremate ng mga doctor ang bangkay ni Edelweiss at pinauwi ito sa Pilipinas.
Agad naman ito pinalibing ng mga kamag anak niya.