Prelude

267 Words
"May nararamdaman ka pa bang buhay sa kanilang pamilya?" tanong ng isang matandang lalaki sa maliit na bata. Pinagmasdan ng bata ang paligid at pinakiradaman ito. Sa mura kasi nitong edad ay nararamdaman niya na ang mga presensya ng ibat ibang tao. Sasagot na sana siya nang mahagip ng kanyang maliliit na mata ang isang pigura sa likod ng ref ang isang batang babae. Walang bakas na reaksyon sa kanyang mukha nang makita niya ang batang babaeng iyon. "I sense.. no one." sagot nito sa kabila ng kanyang nakita. "Mabuti kung ganon." tipid na sagot ng matanda "Sunugin ang mga bangkay at ang bahay. Siguraduhin niyong wala kayong ititirang ebidensya." utos nito sa mga tauhan niya. Nauna siyang naglakad habang nakasunod ang iba pang tauhan niya sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad nang maramdamang hindi nakasunod ang kanyang anak. "Vien." hindi ito pagtawag kundi ang utos na ibig sabihin ay sumunod siya. "Father, can i ask a favor?" hinarap siya ng ama at kinunotan ng noo. "Can i have a tour in this house? I just wanna check everything." matagal siya tinitigan ng matanda bago sumagot "Bilisan mo at aalis na tayo." "Yes father." nakayukong sabi nito. Hindi na sumagot ang matanda at naunang naglakad ito. Hindi niya alam kung bakit siya nagsinungaling, hindi siya natatakot sa ama. Nanibago siya sa sarili dahil unang beses niyang ginawa ito para sa isang tao. "Young master?" bumalik siya sa huwisyo nang tawagin ng kanyang butler ang pangalan niya. "Renzo, do me a favor." "Yes young master?" "I want you to cover me.." nanatili itong nakikinig "Im going to save a girl." napawang ang bibig ng kanyang butler sa sinabi nito. --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD