KATULAD NG NAPAG-USAPAN, nagpunta ang magkapatid na sina Amari at Eileen sa trabaho ng magulang nila sa labas ng Barcelona. Stay in ang mga ito, tuwing weekend lang ang off, pero dahil pinakiusapan ng amo na huwag munang umuwi dahil walang magbabantay ng bahay at babiyahe sila, ang magkapatid na lang ang dumalaw. Nang nasa tapat na sila ng malaking gate na napipinturahan ng abo ay nag-doorbell agad sila. Excited silang mag-swimming. Malawak ang lupain, dalawang palapag ang bahay na maraming binatana para makapasok ang natural na sinag ng araw, may malaking pool, at samu't saring uri ng bulaklak. Ganoon na lang ang kantiyawan nila ng Ate Eileen niya dahil pareho silang nagbaon ng bathing suit at sunscreen. Tumunog na ang bakal na gate at unti-unti iyong bumukas. Nang makita sila ng n

