Chapter 15

1552 Words
“DO IT, AMARI,” susog ni Archie kay Ari. Huminga siya ng malalim bago inihagis ang ping pong ball sa mesa dahilan upang ito’y mag-bounce. Lumipad ang maliit na bola sa ere. Pigil niya ang hininga habang pinapanood ang pagtama ng bola sa bibig ng plastic cup. Ligwak. Rinig ang pagbagsak ng bola sa sahig kasabay ng sigawan ng kabilang team. Natalo sila dahil sa kanya. Iyon na ang nagsilbing tie breaker sa larong beerpong. Punong-puno na ang tiyan niya ng cerveza at ayaw na niyang tumungga pang muli ngunit dahil sila ang talo, inisang inom lang nila ang lata ng Estrella Damm.  Nakipag-apir si Archie nang matapos nila ang inumin. Kitang-kita ang pandidiri ni Jelly sa mukha, hindi na nga nito natapos ang inumin. Kasama niya ito sa panig nila. Nagsigawan ang kabilang grupo na ubusin ni Jelly ang beer. Ang manliligaw nito ay nakikisama sa kantyawan. Pinaulanan ng masamang tingin ni Jelly ang lalake bago nito sinaid ang laman ng lata. Pabalang siyang naupo at ibinuka ang mga hitang init na init na. Itinali niya ang buhok at saka uminom ng tubig. Sumenyas si Samael kung gusto niya pa ng maiinom. Tinanggihan niya iyon. Tumabi sa kanya si Archie. “So, you like the guy?” walang anu-ano’y tanong nito sa mababang tono. Napakunot siya ng noo. “Who?” Archie pointed Samael’s direction. “Mi novio, mujer.” “Callate. No, I don’t. Why you askin’?” Nagsimula nang kabahan si Ari. Archie chuckled. Lumapit ito at siniyasat ang kanyang namumulang mukha. Lumayo siya rito at nagpunas ng pawis. “Are you sure, baby?” he asked.  Tumango siya. “¿De verdad?” once again he asked. “Que sí,” giit niya. Hindi niya namalayan na nilalaro-laro na niya ang botelyang hawak. Kinuha iyon ng kausap at itinabi. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay. “Be honest with me, Amari.” His throaty voice sent chills down her spine. Naningkit ang kanyang mga mata. They were just partying and drinking. All of a sudden, he’s acting like he’s up to something. “If you’re gonna say something, Arch, say it,” saad niya. “And don’t call me woman or baby,” mariin niyang sabi. He sighed. He straightened his legs and yawned. “Correct me if I’m wrong, I could be tired, but… do you like Samael?”  Ari couldn’t react. She doesn’t know how to react. It’s not something she could talk to Archie. Napansin ba nito kung paano niya tapunan ng tingin ang nobyo nito? Was she really that obvious? How about Belle?  “Don’t sweat it,” pukaw sa kanya ni Archie.  Nagtaka naman siya sa narinig. “Ano’ng ibig—Que dices?” “I saw you two curled up in each others’ arms before all the getting wasted part. The way you look at him… I’ve seen that countless times with Belle, you know. Belle could say the same thing to me. What do you see in him?” Umayos siya ng upo at hinarap ito. “Hey, Arch, please don’t tell anyone about this…” Nilamon ang apat na sulok ng kwarto ng halakhakan. Nang hanapin niya ang dahilan niyon ay nakita niyang nakatayo sa gitna si Keeno at nagkukwento.  Ibinalik niya ang atensyon kay Archie. “Prometelo, Archibald, por favor, tío.” “Te lo juro.” Itinaas pa nito ang kanang kamay. She started speaking in a hushed voice. “I’m really vulnerable right now and I’d take anyone regardless if they’re single or not. That’s the hard truth.” Nakatitig ito at hinihintay na sundan ang kanyang sinabi. “But I wouldn’t even dare with Samael.” “Why not?” Lewis jumped in and pulled them up. “Hey, hey, hey. It’s too early for a heart-to-heart talk, don’t you think?” he said. Napakamot siya ng ulo.  “Come on, guys!” Lewis shouted. “Someone get them drinks. I don’t wanna see two individuals in their own world. We’re giving Iya a despedida party, a’right?” Si Samael ang nagbigay ng panibagong beer sa kanila. “I’m done with beer,” aniya at ibinalik iyon dito. Kinuha niya ang unang nahagip ng mga mata niya. Nagsalin siya ng vodka sa isang baso.  “You, two, are not planning to elope together, right?” tukso ni Samael sa mabuway na tono. “Planning on ditching you soon,” said Archie quietly and kissed the top of Samael’s head.  “You what?” ani Samael na nais ipaulit ang sinabi ng una. Iniwan na niya ang dalawa. Pinuntahan siya ni Keeno at pinakita ang hawak nito. “Tara?” anyaya nito. Tinanggihan niya ang paanyaya nitong sumindi. Tinabihan na lang niya si Jelly at Lawrence. Muli ay ipinakilala siya ni Jelly sa manliligaw nitong bago sa kanyang paningin. At sa ikalawang pagkakataon ay nakipag-kamay siya rito.  Kanina ay sinabi ni Samael na matagal na silang magkaibigan. Buti nga raw ay bumalik na ito ng Barcelona para makapag-inom na ulit sila, biro nito.  Sa buong gabi ay palihim niya kung suriin ang Lawrence na iyon. Hindi niya mawari ngunit hindi siya palagay sa manliligaw ni Jelly. Wala rin siyang pake kung kakilala ito ni Samael. They don’t need to hear their approval of the guy. Who does he think he is? Why are they speaking on his behalf? Putol ba ang dila nito? He’s afraid to make mistakes, for chrissake. Lawrence wanna appear good on the outside, she can tell. Sue her if not.  Kung umasta ang Lawrence na iyon ay parang hindi nito kayang magtagni ng mga talata’t pangungusap bukod sa mga simpleng kumustahan. Paano sila makaka-build ng rapport? Takot yatang magkamali kaya hindi siya makakuha ng ni katiting sa katauhan nito na pwede niyang ibahagi kapag tapos na ang gabing ito. Not that her opinion is really important in the grand scheme of it all. But as a friend, she needs to know if Lawrence is worth it.  Samael appeared to be vouching for the guy. Golden rule stated by the old gods, never trust the friends of one’s partner, boyfriend/girlfriend, jowa, lahat na. Sino pa bang numero unong kukunsinti sa kalokohan ng mga magbo-boyfriend at girlfriend na iyan? Kaya nga uso ang kanya-kanyang get together kapag naghiwalay ang pambansang mag-jowa since High School dahil sa mga panig-panig na iyan, dahil sa mga kunsintidor na nuknukan ng kalokohan na sagad sa buto. Malalaman mo ang tunay na ugali kapag nakatalikod na. Diyan lumalabas lahat ng yabang at kulit. `Yong mga sulsulan na harmless sa unang dinig. Sabayan ng onting susugo, bibigay na.  Nagulat siya nang may humapo sa kamay niya. Pinipigilan ni Jelly na humigpit ang pagkakahawak niya sa baso. Hindi niya namalayang nailalabas niya ang inis sa ibang paraan. “Ilang buwan na kayong magkakilala?” tanong niya sa dalawa nang tantanan na siya ni Jelly sa mga katanungan nitong iisa lang ang tinutumbok, kung bakit mukhang asar na asar siya.  “More than a year na kaming magkakilala,” sagot ni Jelly sabay tingin kay Lawrence. “Pero limang buwan pa lang akong nanliligaw,” si Lawrence naman. Napatango-tango siya. “From what I heard, your whole family stays here, that's why you decided to change base. You couldn’t be with Jelly in Brussels?” Ang lakas niyang mangialam, sa totoo lang. “Mas makakaipon ako kung dito ako sa Barcelona,” anang lalake. I doubt. Again, from what she heard, gano’n din naman ang gastos. Nagbabayad pa rin ito ng share nito sa apartment malapit sa airport. Hindi rin nalalayo nang ito’y nasa Brussels pa.  Nagkibit-balikat na lang siya.  “Do take care of her, Lawrence,” bilin niya rito. “Ayokong makaririnig ako ng kung anu-ano. Alam kong hindi maiiwasan iyon. But please, huwag na tayong dumagdag sa gulo ng mundo. We are in our twenties. Let’s all set sail and live as if we’ve earned the constant celebration, like the rest of the world doesn’t exist as long as we contribute to the economy, that is. Para may pondo makapag-yate.” Nakarinig siya ng malalim na buntong-hininga sa tabi niya. Si Ale pala iyon na nakapameywang. “I agree. I don’t wanna die nang hindi nakakapag-f**k it all ng two months. Kaya mag-ipon-ipon na kayo dahil basta na lang kayo makakatanggap ng tawag mula sa akin. Ihanda niyo na ang emergency duffel bag niyo. We sailin’, bitches. We’re gonna ride those waves. I wanna feel that sun soaking in my 30 SPF-lathered face because that’s all I can afford.” Pagkatapos niyon ay basta na lang ito tumalikod. Iniwan na rin niya ang dalawa. “So you’ve met Alejandra and Amari,” narinig niyang sabi ni Jelly kay Lawrence.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD