NAKITA NI Amari na natigilan si Samael. Nais niyang matawa sa reaksyon nito. Hindi nito alam ang sasabihin. “It’s fine,” aniya rito. “You can relax.” “What do you mean?” naguguluhang tanong nito. “Paanong ‘it’s fine’? I won't do that to you, Amari.” Iniba niya ang usapan. “Saglit lang pala kami sa Batangas. Did the usual s**t when you’re with friends. Parang for a short period of time, na-absorb ko iyong ugali nila, kung paano sila magsalita. Hay, kaka-miss.” “Nakaka-miss nga,” wika ni Samael. “Nakaka-miss ka. Buti na lang isang buwan ka lang doon,” bigla'y banat nito. Maang siyang nakatingin dito. “Hindi ko kaya kapag tumagal ka pa roon,” patuloy nito. “Three months was a lot,” paalala niya rito. “That was enough time for me to sort my s**t out. Ibig kong sabihin, kung sosobra pa

