MAKIKITANG nakaupo si Amari sa upuang rattan katabi ang asawa, napalilibutan sila ng mga kaibigan. Ang mga magulang at matatandang panauhin ay bumalik na sa kanya-kanyang cabana. Kasama rin nila ang kapatid niya sa long table. Lumalaban pa rin ang mga ilaw. Napakagandang pagmasdan ng mesa at ng nagkalat na liwanag sa buhangin. At kapag tumingala ay parang nagre-reflect lang ang liwanag mula sa mundo patungong kalangitan. Napakaraming bituin sa itaas. Napakasarap pakinggan ang tunog ng malalakas na alon. Ramdam ang bagsik nito sa gabi. Kasalo rin nila sa kwentuhan at nightcap ang banda ni Jano. They still sounded great as ever. Hindi nakasasawang pakinggan. They sounded unreal, strong, and cosmic. Nakaligpit na ang mga instrumento ng banda, pero bitbit ng ilan ang kanya-kanyang gita
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


