NILALANTAKAN NA NILA AMARI AT ALEJANDRA ang banoffee pie na ginawa ng huli. Pinag-uusapan na nila ang tungkol sa stay nila sa Sitges. Excited na sila lalo na si Amari dahil sa wakas ay muli siyang makakalakwatsa. Katulad ng napagkasunduan ay hindi siya dadalo ng Film Fest dahil ayaw niyang ipagsapalaran ang mangyayari bukas. Nanggaling na kay Alejandra na dadalo si Samael dahil parte ito ng production at manonood din ito. Ale sold the ticket to Keeno who then sold the ticket to one of his friends who was sure he’d make it to the festival. Kaya sila lang dalawa ni Ale ang pupunta bukas ng Sitges. Dapat ay kasama si Keeno, iyon nga lang ay may trabaho naman ito. Ang horario nito ay sa umaga at gabi. Ang pahinga nito ay sa hapon lang. Bukas na pala ang lakad nila ay wala pa siyang nahanda

