Chapter 13

1201 Words
HINDI ALAM NI ARI na tinititigan na pala niya si Samael. “Shot mo na,” anito sa kanya at itinuro pa ang shot glass.  “Ang init!” sigaw niya. “Lumayo nga kayo,” utos niya sa mga katabi niya. Nasa flat sila ni Samael at umiikot ang tequila ngayon na sinasabayan ng karaoke. Kasama na nila sina Alejandra at Maria. Yes, buong-buo. Naglalampungan sila kaya pala ang init, sinisiksik siya ng mga ito. Mamaya niyan magmi-missing in action na ang dalawa.  Nakasalang ang isang kanta ni Freddie Aguilar sa pamagat na hindi na niya maalala. Si Samael ang bumabanat niyon. Nakalinya na nga ang mga kanta nito. Hindi na sila pinalusot. Ito lang kasi ang gustong kumanta at ang laging may hawak ng songbook. Nahihiya siyang ipagmalaki ang boses niyang pipitsugi kumpara sa singing prowess nito.  Mayamaya pa ay pumasok na ng sala si Belle tangan ang isang lemon sa kamay nito. Lumuhod ito sa carpet at hiniwa-hiwa ang hawak at inilagay sa platito. “Whose turn is it?” tanong nito. “Yo,” sagot niya. Mabilis siyang naglagay ng asin sa espasyo sa ibaba ng hinlalaki niya. Dinilaan iyon sabay inom saka kumuha ng lemon. Gumuhit ang init sa lalamunan niya. Ano nang nangyari sa water theraphy niya? Nagsusunog na naman siya ng lalamunan. Wala ka talagang isang salita, piping kausap niya sa sarili. Sumandal siya at malayang pinanood ang mga nagaganap sa paligid niya. Ngunit ni isa ay walang nakatagos sa isipan niyang magulo.  Madaya talaga ang mundo. Nang siya na ang kumilos para maiba ang takbo ng buhay niya, hindi naman iyon ikinalago ng katauhan niya. Bagkus, para siyang upos na kandila. Nagbabaga pa rin kahit naghihikahos na, malapit nang abutan ng nakapalibot na tunaw na kandila, at anumang sandali ay mawawala ang liwanag.  Nang sumuko na siya na baka wala namang tatanggap sa kanya, na hindi na siya makakahanap ng taong sa tingin niya ay para sa kanya, saka naman ipinakilala sa kanya sina Selina at Samael.  Parehas na may mga pareja.  Ano namang laban niya roon? Lugi na agad.  Ayaw naman niyang palakihin ito kaya sinasarili na lang niya. Si Selina ang kauna-unahang taong tumrato sa kanya bilang isang babae. Ipinaramdam nito ang mga bagay na kahit kailan ay hindi niya naisip na tunay. Selina was very gentle with her, caring, sweet. Dina-downplay niya lang ang nararamdaman sa tao dahil hindi ito lubos na tanggap ng mga kaibigan niya dahil sa katotohanang may kasintahan ito at nagtataksil ito sa parehong panig. Wala silang commitment pero nandoon pa rin iyong gulat, disappointment, katangahan na rin sa parte niya, na bakit siya nag-expect ng sobra samantalang wala namang ‘sila’ in the first place.  With Samael, there was frustration in all four corners of the room. She’s very attracted to the guy. Ang intense at times. Whenever that happens, Amari the great to the rescue. Magaling siyang mag-downplay ng feelings niya. In short, mababa ang tingin niya sa sarili niya. Kesyo hindi niya deserve ito, o, deserve niya ito dahil… ‘eto siya. Siya lang naman ito. Si Ari lang naman siya. May pait na gumuhit. Hindi na alak. Ibang uri na, masakit na. Napalulon siya ng laway na hindi niya napansin na naipon na pala sa loob ng bibig niya. Tinungga niya ang basong may tubig. Hindi niya alam kung kanino iyon. Sinunggaban na lang niya nang makita iyon sa ibabaw ng mesa.  “Parang ang sarap magpakalasing ngayon, ah.” Iyon ang lumabas sa kanyang mga labi. Napalingon si Ale sa kanya. “Malayo pa ang uuwian mo.” “What was it, love?” si Belle. She was still sitting on the carpeted floor. Ari can see through her shirt and her protruding n*****s were waving. Then Ari’s eyes went back to the woman’s pair of eyes. They were lovely. Almost everything about her was. Except of course about the fact that she’s Samael's girlfriend.  “Help me get drunk,” said Ari. “Sure, but promise me you will sleep here,” Belle said. So help her God.  “Okay,” agad na sang-ayon niya.  After a few shots, when she finally got over her awkwardness, she started to belt out Stupid Love. Nakaka-stupid talaga ang love, no joke. Pero may aral namang kaakibat kung alam lang kung saan ito hahanapin. Why do they always make a big deal out of it? Na para bang ito na mismo ang puno’t dulo ng existence ng isang tao. She sighed heavily. Wouldn’t it be great, though, to finally feel the rest of the world is feeling. Napag-iiwanan na ba siya? Hindi ba siya kamahal-mahal? Bakit? Ano bang mali at kulang sa kanya? Ano ba ang meron siya na ayaw ng mga tao sa kanya? Puta, alak pa. Alak pa nga. Nasaan na nga iyong aral? Teka, ito na. Hinatak na siya ni Samael sa isang tabi. Mali, sa loob ng isang kwarto.  “Dito ka matutulog,” anito. Sumandal siya sa hamba ng pinto at pinanood itong tupiin sa gitna ang comforter kung saan pwedeng niyang ipasok ang sarili at diretso tulog kapanabay ang malabot na comforter.  “May kailangan ka pa ba?” ani Samael habang inuunat ang unan. “Tubig po,” ang sagot niya. Umupo na siya sa kama at hinawakan ang kamay nito. “I got this,” sabi niya. “Sige, wait lang.” Lumabas na ito. Siya naman ay nahiga na.  Nang makabalik ito ay may tangan na itong isang basong tubig. Inabot niya iyon at mabilis na naubos. “Isa pa, pwede?” hiling niya. Hindi naman ito nag-atubili. Sa ikalawang balik ay may dala na itong bote. Naupo ito sa dulo ng kama. “Okay ka lang ba?” masuyong tanong nito. “Keri pa naman. Bakit?” Uminom ulit siya ng tubig. “Amari,” ani Samael. “Okay ka lang? Kumusta?” “I feel so unvalued, undeserving of love,” sagot niya naman.  “You feel like it because it gotta start with you,” sabi naman nito. Umikot ang mga mata niya. “Of course. Love yourself. Yadda, yadda, yadda. That should do it.” “Don’t you love yourself?” Hindi niya mabanaag ang pasalit-salit na emosyon sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan kung para saan iyon. Naaawa ba ito sa kanya dahil nakikita siya nito sa ganitong estado? “Keri lang,” sagot niya ulit. “Ang labo mo kausap.” Napakamot ito sa batok nito. “Do you need a hug? Do you need to vent? Do you need a piece of advice?” Ang thoughtful naman ng isang ito. For keeps talaga.  “Hug na lang,” ang naging sagot niya. Hindi naman ito nag-atubili at agad siyang binigyan ng isang mahigpit na yakap. Hindi niya ito agad binitawan.  DJ, baka pwedeng mag-request. Iyong cover ng Orange and Lemons. ‘Yong kanta ng APO. Kinanta iyon kanina ni Samael. Hands down, wala siyang masabi. Ang lamig sa tainga ng boses nito. Bumilib talaga siya rito. Tamang harot din ito kapag nakanta, eh. Yakap sa dilim, game?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD