TINITIGAN NI AMARI ang sarili sa salamin. She’s showing so much skin today. Paano kasi ay makikipagkita ulit siya doon sa last guy na na-meet niya. Amari decided to ditch the skirt and knit crochet top. Nagsuot na lang siya ng mini dress na bulaklakin. Mainit pa rin naman kaya dapat presko at kumportable ang suotin niya. Hindi kasi siya kumportable sa top na napili niya kanina. Sinipat niyang muli ang sarili sa salamin at nang makuntento ay umalis na siya. Nang makarating siya sa flat ng lalake ay bukas na ang pinto. “Hello?” aniya nang walang sumalubong sa kanya. “Hi. Here!” anang isang tinig. Lumitaw ang isang kamay mula sa kwarto nito at saka ito tuluyang nagpakita. “Hey, everything’s good?” tanong nito. Tumango siya. Nang makapasok sa kwarto nito ay hindi na sila nag-aksaya pa ng

