MALAKI ANG KWARTONG tinutuluyan ni Jelly. Queen size ang kama at may sariling banyo. Sa atico sila nakarating at napalilibutan iyon ng maraming bintana. Malapit ang bahay sa airport at ilang minuto lang ang tinagal nila sa bus. Iyon nga lang ay malayo sila sa city center. Marami ring kasama si Jelly sa bahay. Pero solo nila ang buong palapag kaya pwede silang mag-tumbling at magsagawa ng isang buong production, pa-mine na lang. Pagdating ay naglabas agad si Jelly ng ipahihiram nitong damit. Nagpahinga muna sila sa ibabaw ng kama nito at tamang higa lang. Walang anu-ano ay basta niya na lang iniwan ang sariling gamit sa sahig. Hindi na siya nahiya sa kaibigan dahil minsan lang siya magpakaburara sa ibang pamamahay. Hindi niya naman hahayaang ito ang magligpit ng kalat niya. Nagpaulan na a

