PAGKATAPOS NG PALPAK NA fishballs ay nagpa-deliver na lang ng sushi si Keeno. Prinito niya naman ulit ‘yong fishballs pero mukhang hindi na nito malilimutan ang pagkagat sa malamig at matigas na Filipino staple food. Hindi rin siya masyadong nakausad sa pagpe-paint na ginagawa niya dahil maliliit at makikipot ‘yong espasyong kailangan niyang kulayan at masyado siyang natakam sa sushi kaya inuna niya munang kumain. “Ano’ng balita sa inyo ni Samael?” usisa nito. Muntik na siyang mabulunan sa narinig mula rito. Akala niya naman ay hindi na nito uungkatin ang kaganapang iyon sa buhay niya. Muli na naman siyang sinukob ng hiya. Hindi niya tuloy malunok-lunok ang pagkain. Kinailangan niya pang uminom ng tubig bago malulon iyon. Tumikhim siya. “Samael?” patay-malisyang tanong niya. “Ano nga

