NASA LABAS SI Amari ng bar, nagpapahangin. Lumalanghap ng sariwang hangin. Madilim na at hindi na niya maaninag ang daan. Rinig ang paghampas ng tubig at sayaw ng mga sanga sa hangin. Pero kahit iyon ay hindi na niya makita. Tanging ang ilaw ng buwan ang mas maliwanag sa lahat. Doon siya nakatingin ngayon. She’s feeling a bit dramatic, that's why she wanted to disappear in the dark. Nakakailang hakbang pa lang siya patungo sa kadiliman nang may sumitsit sa kanya. Tumalon ang puso niya sa gulat. Nalingunan niya si Jano na sinisindihan ang isang stick ng sigarilyo. “Bakit nandito ka sa labas?” He huffed and puffed. Nakaramdam siya ng ginaw sa dumaang hangin. “Masyado akong nalungkot sa tugtugan niyo,” sagot niya. Natawa ang kausap niya. “Really? I’ll take that as a compliment. Why didn

