Chapter 3

1951 Words
ARI AND FRIENDS DECIDED TO HAVE a nightcap at Ale’s apartment. Nandoon ang nag-iisang roommate nitong lalake na si Lewis. He joined them as they took comfort from the warmth of their teacups. Ito ang katabi niya habang nagdadaldalan ang dalawa. Naiwan na siya sa usapan at ‘di makasabay sa trip ng mga ito. Bukas ang telebisyon ngunit parang siya lang ang nanonood. Si Lewis naman ay kumakain ng pina-deliver nitong crunchy california maki. Parang gusto niya ngang humingi rito kaso ‘di niya naman ito close. Isa pa, hindi niya ito ka-vibes. Ang lakas maka-flirt ng walangya. Iyon ang lagi niyang reklamo kay Ale kapag nandito siya. Buti nga ngayon ay behave ito, palibhasa kasi may nginunguya at ‘di magamit ang bibig sa pambobola.  On the other hand, okay na rin naman pala na wala siyang kausap ngayon. Nakapagpahinga ang katawan at utak niya at unti-unti na niyang nararamdaman ang pagod, physically and mentally.  Kahit saang anggulo naman kasi tingnan, mali pa rin na hinahayaan niya ang sariling magpakalunod sa maling bagay na ikasisira niya. Sa ngayon siguro, nae-enjoy niya pa ang ginagawa niya dahil iyon lang naman ang hanap, pure fun. Kapag lumaon, magsasawa na siya.  Tumayo na lang siya at nagpahangin sa terraza. May mga paso ng halaman at bulaklak doon. Malamang ay hindi sa kaibigan niya iyon dahil laging namamatay ang mga halamang tinangka nitong alagaan. Ilang beses na siyang nagbigay ng bromeliad dito na hindi naman laging kailangan ng direct sunlight at ‘di rin kailangang laging dinidiligan. Kahit binilinan mo na kung ano ang tamang pag-alaga, gagawin nito ang direct opposite hindi dahil sinasadya nito ngunit dahil nakakalimutan nitong ipasok ang halaman sa loob.  May isang upuan doon kaya naupo muna siya. Tumunog ang phone niya at binasa ang mensaheng natanggap. Boss, libre ka? Pass muna ako diyan. Nakainom rin ako ng very light, sagot niya. Hash and Hemp museum tayo sa ibang araw? Bumuntong-hininga siya at pumasok sa loob. “Gusto niyo ba mag-Hash and Hemp musuem, kung hindi bukas, sa ibang araw?” tanong niya sa dalawa. Hindi kasama sa niyayaya niya ang roommate ni Ale. Kahit ramdam niya ang titig nito ay hindi niya ito tinapunan ng tingin. “May edibles sila do’n,” ani Ale kay Iya.  “Naku, kayo, ha. Safe ba ‘yan?” tanong nito.  “Well, museum nga siya. Nagyayaya ‘tong tropa namin. Sa kanya kami minsan kumukuha ng stash pero madalang na lang dahil ‘di na namin trip. Wala sigurong magawa 'tong si Keeno kaya nagyayaya,” sagot niya.  “Tsaka ang ibinebenta naman nila roon ay mga cookies at tsaa at iba pang pagkain na may halong, alam mo na,” si Ale ulit. Napailing-iling si Iya habang nakatawa. “No, I’m curious but no thanks,” tanggi nito. Nag-text ulit siya. ‘Di na muna. Next time na lang. “Bakit? Anong trip ni Keeno?” tanong ni Ale sa kanya. “Ewan ko dito. Tamang yaya mag-smoke. Sabi ko ayaw ko muna. Nagyaya naman mag-museum. Kumusta na kaya ‘yon? Break na sila ng girlfriend niya, eh.” “What?” si Ale. “‘Yong española?” “Alangan naman Pinay. Isa lang naman girlfriend no’n. Gusto na ‘ata no’n ni Keeno magkapamilya, eh, ayaw lang ng babae. Ilang taon na rin sila. Six year itch ka, girl?” aniya at umupo sa harap ng dalawa. “Wala naman kasi sa tagal ng panahon ‘yan,” ani Iya na pinapakinggan ang usapan nila. “Kung kayo, kayo talaga.” “Lagi pa ‘yong inaaway ng babae. May pagka-gold digger din, akala mo talaga may ibubuga si Keeno, eh,” pang-aalaska ni Ale sa tropa nila.  “‘Wag ka nga, dealer ‘yon si kups,” sabi niya. “Simpleng kusinero by day, dealer pala sa gabi.” “Whoa, okay, too much info,” si Iya.  Tapos na nila ang mga inumin at nagpaalam na silang uuwi.  “WILL I SEE YOU AGAIN?” anang babae habang nagbibihis ito. “Uh, I’ll text you,” sagot niya. Or not. Hinatid siya nito sa labas at umalis na siya.  Tumambay muna siya sa isang bar at nag-kape habang nagpapahangin. Sa labas kasi siya naka-pwesto.  Ale joined her after she got out of work. “Nasaan na nga ulit si Iya ngayon?” tanong nito. “Madrid.” “Talaga? Never been there. Ilang taon na ako rito pero di pa ako nakakalabas ng Barcelona.” anito. “Hindi raw, pero sa France, oo,” aniya. “Kailan ang balik niya?” usisa nito. “Kailan pa siya do’n?” dugtong nito. “‘Yong totoo,” aniya at hinarap ito. “Bet mo?” “Hindi ba obvious? Kinakabahan nga ako kapag kasama ko iyong tao. Ayoko naman magmukhang creepy, nasosobrahan yata ako sa pagtitig sa kanya.” Natawa siya. “Tinamaan na.” “Nanginginig pa ‘yong mga kamay ko. Parang, tinamaan talaga ako. Unang tingin ko pa lang, iba na naramdaman ko. Parang ‘di totoo, ‘no. Sobrang unexpected. ‘Di ko alam kung pansin mo pero halos kami na lang ang madalas mag-usap kapag lumalabas tayo.” Nginisian niya ito. “Okay lang. Hinahayaan ko rin kayo. Nakikita ko naman na masaya ka sa kanya, eh.” “I wasn’t even looking for someone right now. Feeling blessed ako ngayon kasi na-meet ko siya. Gosh, sounds so OA pero totoo.” “I believe you. Unexpected things are the best.” “Iba talaga kapag ‘di mo ipinilit. Hinayaan mo lang kusang dumating. Parang handang-handa na akong magmahal. Wow. I can finally say that.” “Dalaga ka na,” sabi niya. “Parang na-pressure yata ako? Gusto ko na rin.” Saka binuntutan ng tawa ang sinabi. “Tingin mo, gano’n din siya sa’yo? A hundred percent na ire-reciprocate ‘yang feelings mo?” Malawak ang pagkakangiti nito. “No’ng isang gabi na nag-nightclub tayo, I kissed her.” pahayag nito. “Wait, what—” Napatili siya at para silang mga batang hindi magkamayaw sa kilig. “Totoo?” “Oo, gagi,” si Ale. “I kissed her and I’m glad it wasn’t awkward.” “Oh, my god. Mahigit isang linggo pa lang kayong magkakilala,” aniyang natatawa at kinikilig para sa kaibigan.  “Akala ko nga magiging kami na sa loob ng isang linggo, eh. Mission failed. Kung wala nga lang akong trabaho ngayon, baka sumama na ako do’n sa Madrid. Saan pa ba siya pupunta?” “Sa Valencia tapos Bilbao,” aniya at nagpangalumbaba at tinitigan ang kaibigan. “I’m so happy for you. I can see that you are really happy. This is nice.”  “A part of me tells me not to rush this but I’m also afraid to run out of time with her. ‘Di ba isang buwan lang naman siya rito? Tapos hindi lang naman siya rito mag-i-stay,” anito na mababakas ang pagkabahala sa mukha. “Why don’t you ask for a leave? Kahit ilang araw lang naman, papayagan ka naman siguro sa trabaho mo. Ano, puro trabaho na lang,” aniya sabay tawa. “Wow, akala mo talaga hindi taun-taong umuuwi ng Pinas, eh.” “I would love to, really. Pinag-iisipan ko na rin. Ikaw, plano mo niyan?” “Saan?” Hindi muna ito sumagot dahil nag-order ito ng kape nito. “Pang-ilan na ‘yang na-meet mo ngayon?” tanong nito. “Oy, pangatlo ‘yong kanina. ‘Wag ka nga,” dahilan niya. “Sure. Sa loob ng isang buwan. Paano pa kaya sa mga susunod na buwan,” anito. “I know.” “So, puro girls lang?” “Yeah.” “So far.” anito. “Hmm, I don’t think I can with guys… Like, I am attracted to them but I can’t imagine sleeping with guys. Yet. Huwag muna tayong magsalita ng tapos. Malay ko naman,” nakatawang sabi niya. “Sure. How about Lewis? He fancies you a lot.” Mabilis ang ginawa niyang pag-iling. “No, no, no. He’s cute, but I don’t like the way he carries himself. He’s so full of it and it shows. Compensating much? He probably thinks all girls like him just because he’s—He’s not even that good-looking. Malaki lang ang pangangatawan. Ayoko sa mga taong hindi marunong makiramdam. Akala nila okay lang ‘yong gano’ng ugali. Frankly, I don’t know how to deal with it no matter how many times I’ve encountered him. Not just him, okay. A lot of people don’t know they’ve overstepped already,” hinaing niya. Hindi niya maiwasan na ilabas ang nagpapabigat sa dibdib niya.  “I remember you told me that. Na baka gano’n ang roommate ko sa ‘yo dahil, inaamin ko, kasalanan ko rin naman na sinabi ko na gumagamit ka nga ng dating app. And I don’t know why people associate dating apps with easy-to-get people. You’re not. You’re enjoying your life, we are in our prime, and he’s using it to his advantage. I’m sorry I’ve let this on for so long. I understand this may have been damaging to your self-esteem.” said Ale, maintaining eye contact. “Goddamn right. Hello, nakakababa kaya ng tingin sa sarili. Like, putangina—hindi ikaw, ah. Sobrang frustrated ko do’n sa tao. Pwede mag-chill?” naiinis na sabi niya. “Sa totoo lang ayaw kong magdala ng bisita sa apartment dahil ganoon ang pakikitungo niya sa mga babae. ‘Di ka na rin naman iba. Isa pa, it’s a safe space for me. Gusto ko nando’n din kayo ni Iya. Kaibigan ko na rin kasi ‘yon si Lewis,” dahilan nito. “Narinig ko na ‘yan. Nakakakilabot kung paano nakakalagpas ang mga ganyang bagay,” aniya. “Sorry,” anang kaibigan. “Eh,” Ari shrugged her shoulders. “I’ll just stand my ground next time. ‘Di na ako pasisindak sa mokong na ‘yon. But really, aside from you knowing him for a long time, why do you still have him in your apartment?” “He pays decently. Siya na mismo ang nagdadagdag ng bayad kapag may ina-upgrade ako sa bahay. Kahit hindi naman kailangan. Hindi na rin naman ako nagko-complain kasi, pera na ‘yon. Tsaka lately work-bahay lang naman ako. Bihira kami magkita dahil sa schedule namin,” sagot nito. “Pera-pera pala ang labanan,” tukso niya rito. Itinawa nila iyon.  “Totoo nga. Bahay niya na rin naman iyon. Sabi niya nga, iyon pa lang ang bahay na natuluyan niya na super at home siya.” “Kung ako na lang kasi ang kinuha mong roommate, eh,” daing niya. “Poorita ka pa noon,” anito sabay halakhak. “‘Wag kang ano.” “Oo nga pala. Balak ko na nga mag-move out, eh. Studio type lang.”  “Maghanap ka na agad. Maraming mura ang mabilis makuha ngayon lalo dito sa centro kapag studio type,” mungkahi nito. “I’m still deciding. Well, I should get going. I’m tired. I wanna go home.” “Let’s,” si Ale.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD