ISANG ORDINARYONG ARAW. Iyan ang naramdaman ni Amari nang magising siya kaninang umaga. Kagaya ng mga nagdaang araw, may routine siyang sinusunod. Pagkagising, mag-aayos papuntang trabaho. Pagkatapos ng trabaho ay uuwi agad sa bahay. “Pero putangina, anong nangyari?” naibulalas ni Amari kay Jelly. Nagbabalik ang sumalo ng kagandahan nang magpaulan niyon si Bathala. Kinalampag nito ang automatic sliding door sa trabaho niya dahil nang magpaulan ng katalinuhan noon ay tulog-mantika ito at naglalawa pa ang laway. Hindi makapaghintay na ma-detect ito ng sensor. Siya naman ay dali-dali itong pinagbuksan gawa nang may nakatagong switch sa ilalim ng marbled counter noong nasa front desk siya. Bagong kulay ang buhok ni Jelly. Nagpaikli rin ito ng buhok. Nawiwindang siya sa nakikita niya. Pakir

