Kinubli niya ng husto ang sarili sa malaking drum upang hindi makita ng mga kalaban. Dire-diretso ang mga itong lumabas ng pabrika upang salubungin ang mga kasamahan niya. Sinuri niya ang paligid kung may tao pa ba. Pinakiramdaman ng husto kung may susugod pa sa gawi niya. Nang masigurong wala, dumeretso na siya sa loob ng pabrika. Ang sabi sa kanya ni Facundo ay may bagong kidnap daw na bata. Hindi sanggol bagkus toddler naman ngayon. Nanggigigil siya sa tuwing iniisip na mga bata ang biktima ng mga ito. Mabilis ang kilos niya at nakapasok sa isang silid. Isa iyong laboratory. Pagawaan ng gamot. Hindi niya mawari kung anong mga gamot iyon dahil masangsang ang amoy. Hindi niya na sinuri ang mga iyon basta dumiretso siya papasok sa loob dahil may naririnig siyang iyak ng bata. Wala

