Dalawang linggo ang mabilis na lumipas. Naging usap-usapan si Desiree ng lahat na nakakakilala sa kanya. Hindi nila akalain na ang lalaki kung kumilos ay may itinatago pa lang ganda. May ibang kalalakihan na hindi mapigilan ang magpahayag ng pagkagusto sa dalaga. Nginingitian lamang niya ang mga ito. Madalas naman mairita si Aaron sa tuwing nakikita ang fiance niya na ngumingiti sa kung sino. Madamot man para sa kanyang mate but he wants Desireeʼs smile exclusive for him. Kaya lang may time na nagagalit ang dalaga sa kanya. Kaya pilit pinipigilan na lamang ang kanyang sariling magalit. Kasalukuyan siyang nasa mall dahil may gusto siyang bilihin para kay Daiyu. Nagpaalam naman siya kay Aaron at inihabilin ang bata sa katiwala nila sa bahay. Mag-isa lamang siyang namimili. Simula ng luma

