“That’s my niece’s shirt,”
Tinaasan ko nga ito ng kilay. He sounds defensive, or just I thought. Hindi ko naman natanong at lalong hindi ako interesado kung sino ang may-ari nitong shirt at lalo naman ang pants. They’re not oversized or bigger than my actual size, pero okay na rin kesa sa magsuot ako noong revealing na damit na gusto ni Mommy. Magtitiis ako sa mid fit na ito kesa puro panunukso ang aabutin ko sa lalaking ‘to.
“You look good,” approve yata siya at mas lalong natuwa.
Hindi ko na lang ito masyadong pinansin. Aalis kami ng ganito ang suot ko. At uuwi kaming iba naman. Saka alas nuebe na at niraratrat ako ng text ni Jasper. Ganoon din si Luis at nagsusumbong sa akin.
“Sweet,” tawag niya at napatalon talaga ako sa gulat noong hinalikan niya iyong leeg ko. Hindi ko alam kung naglalambing lang ba ito o nang-iinis din.
“You’re just too hot, sweet.”
Umismid nga ako. Ano na naman kaya ang gusto ng lalaking ito? Naalarma na talaga ako. Pakiramdam ko may hihingiin iyan mamaya. Lalo na at party iyong pupuntahan namin. For sure may inuming nakalalasing... na siguradong may malalasing. At siguradong may mawawalan ng ulirat. Iyon ngang nasa pareho kaming matinong pag-iisip, nag-aanuhan sa restroom pa ng pinsan ko.
“Tigilan mo’ko, huh.” Sabi ko na lang at inayos ang seatbelt.
We just drove 5 minutes from his condo. Sabi niya condo niya iyon. Doon daw siya lagi kapag matrabaho sa shop. At alam ko na kaagad, sa aura noon, doon niya dinadala iyong mga nabibingwit niya sa BGC.
Pagkapasok ay hindi nagtagal natanaw na namin si Jasper na nakaupo sa pahabang sofa kasama sina Kat-kay, Momay, Gretta, Angelique and even Andie na kumaway pa talaga. Nahiya tuloy ako at nagmamadaling humakbang. Narinig ko pa ang tawa ni Luis sa likod. Na para bang tinutukso ako.
“Jens!” Tawang-tawa si Momay at niyakap din ako saka tumitig sa suot ko.
“Quite normal,” ngisi niya.
Umismid nga ako at nakipag-apiran sa mga kasama. And then I remembered Momay’s presumption before, si Angelique nga iyon!
Napalingon tuloy ako kay Luis na naupo sa pandalawahang upuan. Nanlaki talaga iyong mga mata ko nang nakitang okupado niya lahat ng ‘to.
Ang laking tao naman kasi! And then I stared at Angelique na nakatitig kay Luis. Napatikhim tuloy ako at nagdesisyon na lang na wag na sabihin kung ano iyong relasyon namin ni Luis. Baka magulat... na ang isang katulad ko na boyish ay nagkaroon ng boyfriend na dalawang araw pa lang nakilala!
“Let me pay,” ngisi ni Luis nang dumaan sa tabi ko.
Tama nga ako at ang daming inumin. In normal days umiinom talaga ako ng marami lalo na at kaibigan ang mga kasama. Kaya lang kinakabahan ako, baka kung anong masabi namin. E hindi ko gusto iyon. Sekreto nga lang iyan. At mukhang nakakaintindi naman si Luis at wala pa namang sinasabi.
“Hey, Jens.” Abot ni Momay.
Napalunok tuloy ako at tinanggap din ang inabot nito. Iinom ako ngunit dahan-dahan. Para iwas sa pagkakalasing. Lalo na ng silipin ko si Luis ay para bang tubig lang na nilalagok ang bote ng isang inumin. I don’t know if he’ll be able to drive his car after this bar party.
Habang lumalalim ang gabi, mas lalong nagiging wild ang kasama ko. Sina Momay nga ay nakikipagharutan na sa kabilang mesa. Samantalang iniinterview ng palihim nina Gretta, Kat-Kat at Angelique si Luis na tumatango-tango... sumasagot ng tipid at nakatitig sa akin.
Gusto ko ngang batukan, makakahalata iyong mga kaibigan namin sa pinaggagawa niya.
“Hey, Jens... mukhang hindi ka nag-eenjoy.” Bulong ni Andie.
Lumunok ako at kumuha na ng isang bote saka tinitigan si Andie na alam kong konti na lang ay malalasing na. Sigurado ako pagkatapos nito ay mag-aaya ang mga yan para sumayaw sa gitna. Which I will forcefully decline. Kailan ba nila ako nakitang sumayaw? At walang excemption ito.
“Lakas tama iyang pinsan ni Jasper sa’yo ah? Kanina ka pa tinititigan.”
Napamulagat ako sa sinabi ni Andie, muntik pa akong nabilaukan. Kundi magiging obvious ako roon. Akala ko noong una walang nakakapansin kaya panay ang silip ko sa kanya.
“Tigil mo nga,” irap ko na ikinatawa lang ng pinsan ko.
Nagpaalam akong magC-CR lang, at kanina pa ako naiihi. Hindi ko lang maiwan ang mga kaibigan kasi nagiging maingay na.
Palabas na ako noong nasilip ang mga upuan at wala na sila doon. Nang titigan ko naman ang center stage, nagwawala ang mga gaga at panay ang headbang. Natawa tuloy ako at bumalik na lang sa upuan. Marami pa ring bote na hindi nabubuksan. Kaya iniba ko doon sa mga nainuman na.
Ang sakit tuloy ng likod ko kaya ni loosen up ko ang likod sa upuan para mawala ang sakit. Saka ko naman natanaw sa itaas si Luis na nakatitig o nakasilip sa akin. Saka niya ibinaba ang mukha at nilumukos ako ng halik.
Kabado tuloy ako at dumaosdos para lang mapahiwalay sa kanya. Grabi iyong tambol ng puso ko, para akong aatakehin sa puso... nawala talaga ang daloy ng alak sa buo kong katawan.
Tawang tawa naman siyang umikot at tinabihan pa talaga ako. Iyong dikit na dikit. Na para bang tatakasan ko siya. E nandito pa ang mga kaibigan namin! Magtataka ang mga ‘yon.
“It is the best night to be intimate, Sweet. Iniiwasan mo naman.”
Umismid ako saka umayos ng upo. Best night siya diyan?! E kung nahuli kami? Anong ipapaliwanag ko?
“Tigilan mo ko, ah! Nakakahiya.” Sabi ko na lang.
“There’s nothing to be shy, Jens.... look at them,” ipinaharap niya ako sa tagong bahagi ng bar.
Naging neutral lang ang mga titig ko doon. Matagal na iyang tanawin na iyan... at hindi nababagay sa amin ang mga ganyang gawain. Pwera na lang kung...
“Uuwi na ako by Wednesday night, wala man lang ba akong pabaon?” Tukso niya pa.
Kinagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Saka tinanaw ang mga kaibigan. They’re enjoying the bar life. At talagang wala silang pakialam kung may naiwan man silang mga bisita rito. Kaya nga ang lakas ng loob ni Luis na landiin ako.
“I’ll ask Tita to let you sleep in my condo tonight, para makatabi naman kita.”
Umakyat talaga lahat ng kilabot sa buo kong katawan hanggang ulo. Makatabi daw? Dumudumi iyong isipan ko. Sa hilatsa pa lang ng pagmumukha nito, duda na akong tabi lang talaga.
“Hindi papayag si Mommy niyan,” iling ko. Sigurado ako. At mukhang tumama ako roon. Kita rin sa mukha niya iyong pagdududa... hindi talaga papayag si Mommy. Hindi naman ibig sabihin na alam na nila Mommy iyong relasyon naming dalawa e okay na lang na doon ako matulog.
“Hm, sneak out? They’re enjoying now, I’m sure no one will notice we’re already gone.”
Ang galing din ng isang ‘to. Alam ko naman kung saan papunta iyan. Hindi ko gusto... hindi tama na kahit na ginawa na namin ng isang beses e pwede ng ulit-ulitin.
“Behave Luis,” saway ko at nag-abot ng inumin saka ko nilagok.
Pagkababa ng bote ay gusto ko sana siyang kausapin kasi nagtaka ako kung bakit naging tahimik bigla. Baka na-offend? Ang babaw naman noon.
Kaya lang nagulat ako noong nilumukos nito ako ng isang halik. Iyong naninipsip ng laway. Nagswirl pa sa loob iyong dila niya, gumagalugad. Parang gusto niya lang tikman iyong lasa ng loob ng bibig ko.
“Tasted good.” Ngisi niya pagkahiwalay sa akin.
Napanganga tuloy ako, hindi makapagreact kaagad. Saka siya dumukwang ulit para iparamdam sa akin iyong nanlalasog niyang halik. And then I froze when I felt his big hand making his way inside my shirt. Kumapa sa ilalim ng bra ko at nakontento na lang na pumisil sa harap ng naramdaman niya sigurong walang siwang, hindi makakalusot.
Napapikit na lang ako, nanlambot ako roon habang nakikipaglaban ng halikan. Sinusunod ko iyong klasi ng halik niya. Iyong nakakapugto hininga, iyong siguradong kakalat ang laway naming pareho. Kapag nanggigil nga siya e dumidiin iyong pisil niya sa dibdib ko. Saka niya kukurutin iyong gitna, which making me slightly jump off from where I was sitting.
“Are you aroused now?” Hingang malalim na tanong niya, ako nga hinahapo habang pinakikiramdaman ang kamay niya. Mabuti na lang talaga nakatalikod siya sa bandang kung saan sumasayaw sina Andie, kundi nahuli na kaming naglalampungan.
“Bawal nga tayong tumakas,” kinikilabutang sabi ko dito, gumagapang na ang kamay niyang pumipisil kanina sa dibdib ko. Papunta roon sa likod para siguro kalasin iyong suot na bra ko.
Umayaw na ako, sobrang PDA nito... kahit sabihin pang may naglalampungan din naman sa malayo. At Bar ito! Hindi pa rin magiging tama sa paningin ko.
Ngumisi siya at pinisil ang hita kong pinatungan ng isa niyang kamay kanina.
“Paano ba yan? I will make myself celibate for a month?” Tukso nito.
Gumapang iyong pamumula sa buo kong mukha. Kahit tuksuhin niya pa ako. Hindi ako bibigay ‘no. Hindi na talaga mauulit iyon. Bigla kasi akong natakot para sa sarili. Iba humawak si Luis... sigurado ako... mahirap na at malapit na akong gumraduate.
“Naku, kaya mo na yan. Lalaki ka naman.”
Napahalakhak ito sa sinabi ko. Pabagsak na iniunat nito ang likod sa headrest ng sofa. Tinigilan din niya ako sa wakas.
“Lalo akong nagturn-on sa’yo, Sweet.”
Binobola naman yata ako ng isang ‘to. Gusto niya yatang makaisa. Hindi naman sa nagdadamot ako, I know gagawin at gagawin din namin iyan kaya lang, gagraduate pa ako... at hindi ako sigurado kung makakaya ko ba habang gumraduate na hindi... mabubuntis.
I know what he did in that bathroom. Natakot ako bigla eh, I have to make sure that I won’t get pregnant after a month. Kaya tinuunan ko ng research pagkatapos ng may nangyari. He shoot his loads! Kung hindi ba naman ako kalahating tanga, sana noong una pa lang sinabi ko ng wag sa loob! Ano bang malay ko diyan? Oo may kaonti akong ideya, kaya lang nadarang kaming pareho sa nangyari kaya nakalimutan ko.
And I won’t do the same mistake again.... mabuti na lang safe ako noon... at hindi pwede... alangan namang sabihin kong magsuot siya ng condom. At magiging iba ang dating sa kanya. Na parang sinasabi kong kinukonsenti ko siyang gawin iyong bagay na iyon.
“You’ll buy school supplies tomorrow, right?”
Tumango ako. Nag-iisip pa rin ng malalim habang nilalagok ang inumin. Mali yatang basta na lang akong pumayag sa relasyon na binigay niya sa akin. Naging komplikado tuloy... hindi ko kasi naisip na pwede namang umayaw. Virginity lang iyong nawala hindi ang buong pagkatao ko. Sa klasi ba naman ng society na meron tayo ngayon... hindi na importante iyon. Kahit kumikirot iyong puso ko sa nawala.
“Hindi mo ‘ko pinapansin,”
Nagulat talaga ako noong narinig ang boses ni Luis. I think he’s saying something, hindi ko lang narinig kasi nag-iisip ako ng malalim.
“Sorry,” ngiwi ko.
Tumango ito, saka sumandal at huminga ng malalim. Nakonsensya tuloy ako at naupo ng maayos saka ko siya tinitigan na umiinom ng alak. Napalunok tuloy ako. Hindi makapag-isip ng maayos kasi nakokonsensya ako.
“Oy, sorry.” Tapik ko sa kanya.
Napalingon siya sa akin saka naupo ng maayos. Hindi naman siya galit, ah? Yong mukha niya maaliwalas naman, nakangiti siya ng bahagya. Pero nakakaoffend na hindi ko siya pinapakinggan.
“I’ll accompany you tomorrow, okay lang?”
Tumango ako. Compensation ko yata iyon kasi nakokonsensya pa rin ako. Napangiti na nga ito pagkatapos ng sagot ko. Idinantay niya na ulit iyong isang kamay niya sa hita ko saka humaplos doon.
Kinilabutan tuloy ako at napatitig sa mga kaibigan na nagwawala ng sayaw sa gitna. Uminom ako muli ng alak saka ako lumapit sa leeg niya at parang batang humalik-halik doon. Kaya lang namula iyong buong mukha saka leeg ko ng narinig iyong tawa niya.
“I’m doing it wrong,” konklusyon ko na kaagad bago niya pa ako maunahan.
Tumango ito, sumang-ayon pa talaga kaya mas lalo akong nahiya. Hindi nga ako sigurado...
“Ang lakas mong mang-akit. Ayaw mo namang sumama.” Gigil niyang sabi saka kinagat iyong tenga ko kaya napasinghap ako.
Lunok ng lunok tuloy ako hanggang sa bumalik na ang mga kaibigan namin na mukhang hindi nakapansin sa kalandian naming dalawa doon. At exactly 1:00 a.m., nang nahimasmasan na sina Andie at Jasper, nagdesisyon na kaming umuwi. Puno sina Andie at Jasper, on normal days, lagi akong nakasakay kay Andie... kaya lang mukhang hindi napansin ng buang na yon na naiwan niya ang sariling pinsan. Kaya grabi ang tawa ni Luis ng napansin niya iyong pagkakalugi ko sa nangyari.
“You’ll make yourself dress in my Condo, Sweet. Dadaan pa tayo doon... and make excuses for Tita, sabihin mo inumaga ka.”
Tinulak ko nga siya sa balikat at kinuha ang susi. Klaro namang malapit na siyang malasing. Pulang-pula iyong tenga niya, lumalabas iyong pagkamestisuhin niya kahit na para siyang moreno dahil sa dami ng tattoo.
“Ako na ang magdadrive. And please! Make yourself behave!” Saway ko rito habang pinipisil-pisil niya iyong bewang ko.
“Hm, isa lang Sweet.”
Tinamaan ang lintek...