CHAPTER TWO
Jennielle Dehara's
Hindi ako masaya kung nasaan man nakaapak ang mga paa ko ngayon. Guess, hindi ko na makukumbinsi ang ama ko para humanap ng mas desenteng school kung saan nababagay ang gaya ko. I hate it! Hindi ko mapigilang huwag sumimangot. Hanggang ngayon ay nag-iinit pa rin ang bunbunan ko dahil nandito ako sa bulok na school na 'to. Pero wala, nandito na ako. Wala naman din akong pagpipiliang iba dahil sabi nga ng ama ko ay ito ang parusa ko sa pagiging sutil ko. It' s either hindi na niya ako pag-aaralin o dito sa pampublikong paaralan na ito ako babagsak. Nakiusap ako kay papa na ilagay ako sa section 1 tutal kaya ko naman makipagsabayan at para may kakilala ako dahil dito nag-aaral ang bestfriend kong si Ayesha. Parang nainsulto lang ako nang sabihin ni papa na makitid daw ang utak ko para pumatol sa basagulerong lalaking 'yon.
He harassed me, and I need to break his bone from doing so. Ang kaso, noong tinatanong na ang tunay na nangyari, binaliktad ng mga nakakita ang nangyari. Sinabi nila na ako ang bully, at maraming natatakot sa akin. Even my friend Dahlia agreed to them. That traitor! Dahil popular ang bastos na lalaki na iyon ay takot ang halos lahat sa kaniya. Kaya naging madali sa kaniya na baliktarin ang storya. Kinakaya niya ang lahat ng naroon, but not me. Dahil wala akong pakialam kung anong kaya niyang gawin, I believe I did what I have to do—protect myself.
I heard dalawang linggong nagpagaling ang lalaking bastos na 'yon sa bahay nila. Tsk, kung hindi lang ako inawat ng guard baka comatose pa ang inabot no'n. Alam ko at kontrolado ko kung saan ko tatamaan ang target ko dahil well-trained ako ng martial arts at karate. My dad taught me how to defend myself. I learned Karate and martial arts at the very young age. My dad warned me not to use my fists and kicks anymore. To make it clear, he really believed that I am the bad person. Poor me, right? Funny how he trained me well to defend and protect myself and when I did, he banned me from using it.
10:00AM - RECESS or 15 minute break
sulat ko sa red notebook ko. Tahimik na rin ang lalaking katabi ko na panay ang tawag ng psyduck sa 'kin. That pokemon is really familiar to me. But I need to see it one more time to see if I am not mistaken. May dino-drawing siyang kung ano sa sketchbook niya, at wala akong pakialam kung ano man' yon. Atleast, hindi na siya parang bubuyog na bulong ng bulong.
"Recess na pala, tara psyduck, samahan kita sa canteen." masigla niyang bungad matapos isara ang sketchbook na kanina niya pa pinagkakaabalahan.
"No, thanks. And please, Jennielle is my name." naiirita kong sagot.
Ayoko lang din kasing makipagsiksikan sa baba. Alam ko namang atat ang mga estudyanteng lumabas, kahit hindi bibili ay labas ng labas. Halos nangalahati kami sa silid tapos makikita ko lang silang sumisilay sa kabilang section. At ang nakakainis pa, may babaeng tingin ng tingin sa lalaking katabi ko at kilig na kilig. Seryoso? Ano'ng nakakakilig sa pagmumukha ng mokong na 'to? What a taste!
“Lika na, para lang din alam mo." hirit niya pa sabay hila sa kamay ko. At ang nakakaloka, ang babaeng panay ang tingin sa kumag na' to ay napakapit sa puso na para bang kinapos ng hininga. My god! This is f*****g hilarious!
“Don't touch me!" asar kong baling sa kaniya. At mabilis na binawi ang kamay mula sa kaniya. Ang kulit ng isang 'to.
"Dare to touch me again, and I' ll break your arm!" I warned him.
"Ang arte ng bibeng 'to. Lika na kasi. Huwag ka ng pabebe. O, sige ibibili nalang kita. Ano'ng gusto mo?"
Literal na nagulat ako ng ilapit niya sa akin ang mukha niya na para bang nagpapa-cute. Yuck! I admit may itsura siyang hindi naman ganoong kasama pero, huwag naman siyang feeling close!
"Layo! Huwag ka ngang feeling close."
"Alam mo napaka arte mo! Kaya today sis? 15 minute break lang kasi mayroon tayo. Tsk. Bahala ka nga, psyduck ka talaga!" yamot niyang sabi saka naglakad na palayo.
Napaka kulit ng mokong na 'yon! Pero ang totoo, medyo nagugutom ako dahil hindi ako nag almusal. Wala kasi akong gana sa hapag kanina dahil sobrang sama ng loob ko. Susuotin ko na sana ang uniform ko sa Scholastica na pinalaba ko kay Nanny Stella, dahil hindi ako binilhan ng bago nila mama at papa. Little did I know that I was expelled from Scholastica for defending myself. Tsk! god knows! I'm telling the truth. At hinain ni papa ang cheap public uniform ng Central High para isuot ko. Damn!
Tandang-tanda ko pa ang usapan namin kanina...
"You can't do this to me, pa! Why can't you believe me that I did that protect myself..."
"I had enough Hara! This is your punishment for being reckless! Well, you have 2 options, 1 is to stay at home with no education at all, 2 is to study in Central High. Ayesha is studying there, right?“
" I hate it! I hate you!!"
“Choose wisely."
Umakyat ako sa higaan ko at umiyak. Naiinis ako ng kinatok ako agad ni papa.
"Pag umabsent ka ngayon, then I consider that you chose the first option."
Damn you! I hate youuuu!!
Gusto kong marinig niya 'yon ngunit ayokong pumasok na namamaga ang nguso. My mom stayed out of it. That made me hate her even more.
Tinitigan ko ang school uniform na nasa harap ko...
Okay, let's see what awaits me there...
******
"Hey! How dare you to seduce my Jerwin."
binalik ako ng boses na iyon sa pag-iisip ko.
Damn! Seducing who?!
"What?" naiirita kong tanong. May dalawa pa siyang alipores. Seryoso ba 'to?
Huwag lang akong kakantiin ng mga ito dahil hindi ko maipapangakong hindi ko babasagin ang mga mukha ng mga 'to.
"Huwag kang malandi... That's all I'm saying."
"Wow! Look who's talking! Are you really telling me that I am the one that is 'malandi'? Then what are you doing? Why are you claiming someone who is not even aware what you have for him? Tsk tsk... You know, I have a word for that... Let me think... Oh! Yes, the word is pathetic."
Nakita kong nag-iba na ang aura niya. She is about to cry.
"You are so mean! Hindi mo ba nakikita na broken hearted siya? Crush na niya si Jerwin since Freshmen... Duwag naman ang isang 'to. Kaya huwag mo na siyang tarayan..."
Nagsimula nang hagurin ng mga alipores ang likod ng babaeng 'yon.
She called me malandi, that is even harsh than to be called pathetic! What am I expecting from these people? Sucks!
"Just go back to your seat. Don't worry, poor you... Wala akong katiting na interes sa lalaking iniiyakan mo. Tagalog na yon ha, sana malinaw."
"Are you sure?" narinig kong nabuhayan siya sa sinabi ko.
"Yup. Just don't disturb me, If you do, I'll break your not so pretty face."
Shocks! What am I doing? I am becoming the girl they accused in scholastica... Damn! This is the cost of being abandoned by schoolmates, friends, and family. I became worse.
"We have house rule here, Jennielle. Do not dare ma'am C." sambit ng isa sa mga alipores niya.
Halos makalimutan ko na kung gaano kabuti ang guro na iyon. I can sense her pure intention.
"I know. Kayo ang sumugod dito at inakusahan ako. Ni hindi ko nga maalala ang mga pangalan niyo... Just go back to your respective places. Inyong-inyo ang lalaking yon. Hindi ako makikipag-agawan."
I rolled my eyes and put back my earphone and started listening to my playlist.
Mabuti naman at umalis na sila sa paligid ko. Natanaw kong pabalik na sa tabi ko ang lalaking 'yon. I just wish he didn't see them.
"Anong sinabi sa'yo ng mga babaeng 'yon?" tanong niya nang mahila ang earphone sa tenga ko. Nakita kong nilapag niya ang dalawang sandwich at juice sa mesa niya.
Napaka bastos!
"Tsk! Don't touch my things! Give it back!" singhal ko sa kaniya.
"Ano munang sinabi nila..."
"Fine! Malakas saltik no'ng babaeng maputi na 'yon sa' yo. Gusto ka daw niya. Ano, okay na?"
"Anong sabi mo?"
Napairap ako. Tsk! Kakaurat mga ganitong seatmate!
“Sabi ko, iyong-iyo na."
Napabuntong hininga siya ng malalim sabay balik ng earphone ko.
"Hindi ka man lang kinilabutan na pinamimigay mo ako?"
"Wednesday Thursday Friday!! as WTF."
"You have been warned not to curse inside this room." nag-iba ang tono ng pananalita niya. And I don't even bother to know why.
Binalik ko ang pagkakasalpak ng earphone sa tenga ko at dinedma ang huling sinabi niya. Mahirap kasing makipagtalo sa bobo. Hindi ka mananalo.
"Just accept this... Kumain ka."
Narinig kong sabi niya. Muli niyang hiniglat ang earphone ko. Tsk! Asshole!
“No, thanks."
Asar kong sabi at napatingin sa relo. 20 minutes na pero hindi pa dumadating ang next subject teacher namin.
"Dali na, binili ko yan para sa'yo. Mukha ka kasing malungkot kanina pa... Sige na, kumain ka na."
Narinig kong sumeryoso ang boses niya. Medyo natakam ako dahil gutom talaga ako.
"Okay, thanks." mahina kong sabi saka kinuha ang sandwich na binibigay niya sa akin.
Tahimik kong kinakain ang sandwich na 'yon.
"You're welcome. Bukas, ako naman ang ililibre mo."
Hindi ko siya pinansin. Basta kumakain lang ako ng tahimik. Muli niyang nilabas ang sketchbook na pinagkakaabalahan niya kanina.
"You know, psyduck, I dreamt to become a cartoonist. Just give me an honest feedback if I will pursue or just forget it..." seryosong sabi niya sa akin. Kasalukuyan ko ng iniinom ang juice na binili niya para sa akin.
He is not bad at all naman pala.
"Sure, let me see. Hang on, Itatapon ko lang 'to." paalam ko. Hindi ko alam kung bakit parang bumait ako sa kaniya. Hayaan mo na, binusog naman niya ako ngayon. I' ll be nicer to him.
Nadaanan ko 'yung babae kanina na bigla nalang akong sinugod. She smiled at me so I smiled back.
Pag balik ko sa upuan ko ay mukhang excited ang loko na ipakita sa akin ang obra niya.
"Ready?" masigla niyang tanong. Kung hindi lang sya gwapo iisipin kong may diperensya sa utak.
Tumango lamang ako.
Wait! Did I just confirm myself na gwapo siya? Forget it!
"Tada!" aniya sabay buklat ng pahina kung saan naka-drawing ang isang duck na naka-uniform gaya ng suot ko at nakatirintas ang mahabang buhok gaya ng ayos ng buhok ko. At ang nakakainis, napaka panget niyon. Do I look that ugly in his eyes? Tss!
Peste!
"Cute mo dito, psyduck. What can you say? Para ka lang nanalamin diba?"
I fake a laugh. I knew it! I shouldn't have let my guard down. I can't trust people nowadays.
"Fair enough. If you declare a battle between us, let me know. Your score this time. Prepare to lose, dork."
Tumawa lang siya ng malakas sabay nguso. Napahawak tuloy ako sa nguso ko. Aminado naman ako na pouty 'yon, pero bagay naman sa akin.
"Okay, bring it on, psyduck! Surprise me."
Irap lang ang tanging sagot ko sa kaniya.
June 7, 2009, I met Kirk Jerwin Perez, the boy who needs special care.