Kinaumagahan ay pumunta si Delsin sa bahay ni Cynthia. Ni hindi na nga siya nakapag-paalam pa kay Tonyo dahil nagmamadali siya. Gusto kasi niya itong makausap tungkol sa pagkakakulong ni Boyong. Ang nasa isip niya, baka matulungan siya nito na makalabas ang pinsan niya. Kahit ‘yong pinsan niya lang, huwag na si Oryang dahil iyon naman ang may kasalanan ng lahat, e. Gulat na gulat si Mikay nang buksan niya ang pinto. Nakita niya si Delsin na nakatayo sa labas, hinihintay na pagbuksan siya ng pinto. “Maaga pa, baka nananaginip lang ako, di ba? Panaginip lang ito, babalik ulit ako sa-“ natigilan si Mikay sa pagsasalita dahil sumagot agad si Delsin sa kanya. “Haynaku, Mikay. Hindi ka nananaginip. Totoo ito, nandito ako sa harapan mo ngayon. Gising na bas i Ma’am Cynthia?” sabi ni Delsin. G

