Chapter 85

1153 Words

Busy na si Delsin sa mga gawain sa motel. Araw-araw siyang masigasig sa trabaho. Kung minsan nga ay inis na si Ray sa kanya dahil doon pero hindi lang pinapakita ni Ray sapagkat ayaw niyang ipakita kay Maám Selena iyon. Maaari pa siyang mawalan ng trabaho oras na inaway niya ang isa sa mga empleyado roon. Dahil sa busy nga siya ay hindi na niya nahawakan pa ang phone niya. Tumatawag si Ate Nessa sa kanya pero hindi niya iyon nasagot. Nang matapos ang kanyang trabaho ay nakita niya ang napakaraming tawag ni Ate Nessa sa kanya kaya tumawag agad siya rito. ‘’Hello, Ate Nessa. Bakit po kayo napatawag? May nangyari po ba kay Nanay Ising kaya po kayo napatawag?’’ nag-aalala si Delsin noon. ‘’A-Ah, eh okay naman siya. Kaya lang naman ako napatawag eh may gusto sana akong itanong sa iyo tungkol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD