Chapter 75

1189 Words

Makailan ang ilang araw ay napagpasyahan ni Cynthia na dumalaw siya sa bahay ni Tonyo. Nahihiya kasi siya kay Delsin, hindi dapat siya nagalit nang ganoon sa bata. Alam niya kasi na hindi naman sanay si Delsin na ganoon siya, kaya kailangan niyang magsabi ng sorry. Baka kasi nagtatampo na ito sa kanya ngayon. Pagdating ni Cynthia sa bahay ni Tonyo ay agad siyang kumatok. Agad naman siyang pinagbuksan ni Aling Miling, isa sa mga kapitbahay ni Tonyo. Ito rin ang pinagbilinan ni Delsin na alagaan si Tonyo. Gulat na gulat naman si Cynthia nang makita ang matanda sa may pinto. Ang inaasahan kasi niyang makita ay si Delsin, hindi ang matandang ito na nasa harapan niya ngayon. Bigla tuloy nawala ang ngiti sa mukha ni Cynthia. ‘’Ay, magandang umaga po, Maám Cynthia. Buti naman po at napadaan k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD