Hihinga na sanang malalim si Delsin dahil akala niya at tapos na ang tanong ni Maám Cynthia ngunit gulat na gulat siya nang may itanong na ito tungkol kay Tonyo. ‘’Eh, nasaan si Tonyo noong mga oras na pumunta ka rito? Sino ang nagbabantay sa kanya sa bahay niya?’’ Noong mga oras na iyon, ang gusto na lang ni Delsin ay lamunin na lang siya ng lupa dahil sa takot mula sa tanong ni Maám Cynthia. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito na parehas silang maliligtas ni Tonyo. Alam niya kasi na kapag nagsalita siya, may isang lulubog sa kanila ng kaibigan niya. ‘’Ah, ýong isa po niyang kapitbahay. Si Nanay Miling, pinasamahan ko po muna siya roon,’’ pagsisinungaling ni Delsin kay Cynthia. Sa totoo lang, gusto na lang niyang maglaho ngayon dahil sa nangyayari sa kanya. Alam niya na

