Pagkatapos mag-ayos ni Nessa ng mga gamit ni Nanay Ising ay bigla namang tumawag si Boyong kay Nessa. Gulat na gulat siya pero kailangan naman niyang sagutin ito dahil baka magtaka kung bakit hindi siya nasagot. Ayaw niya namang malagot, lalo na at nag-uumpisa pa lang ang lahat. Kailangan niya munang magsinungaling sa ngayon. ‘’Oh, ano na naman ýon? May problema ka ba ulit?’’ tanong ni Nessa, medyo pansin ang pagkainis sa boses niya kaya pinuna agad iyon ni Boyong. ‘’Oh, mukhang inis ka na tumawag ako ah? May problema ka ba sa akin Nessa? Parang may hind ako alam tungkol sa iyo, ah,’’ para bang naiinis si Boyong sa sinabi niyang iyon. ‘’Ah, eh wala naman. Ang init kasi ng panahon, naiinis ako. Pasensya na,’’ sagot ni Nessa, nagising siya sa katotohanan na kailangan niya nga palang magpa

