Kinaumagahan, nagising si Delsin dahil sa amoy ng masarap na ulam galing sa labas ng kwarto kung saan siya natulog. Dahil nakaramdam na rin naman siya ng gutom ay lumabas na siya sa kwartong iyon. Gulat na gulat si Delsin dahil paglabas niya ay nakita niyang may lalaking nakain sa lamesa. Si Tonyo naman ay abala sa pag-aasikaso noong iba pang almusal. Ilang minuto lang ang nakalipas eh napansin na agad ni Tonyo si Delsin na nakatayo sa di kalayuan. “Oh, Delsin! Gising ka na pala. Halika, kumain ka muna para maganda ang umaga mo,” nakangiting sabi ni Tony okay Delsin. Nagulat din naman ang lalaki na nakain sa may lamesa sa pagtawag ni Tonyo kay Delsin. Napatigil siya sa pagkain at napatingin lang kay Delsin na ngayon ay pa-upo na sa tabi ni Tonyo. “Oh, ayos ba ang tulog mo? Sana naman m

