ERIELA
Pagpasok pa lang nila Meghan ay gusto na niyang masuka dahil sa sobrang baho at ang dumi ng banyo. Iyong amoy na nakakahilo pati nga si Meghan ay gusto nang tumakbo dahil sa ang baho. Gusto ng bumaligtad ang sikmura niya dahil sa hindi maintindihan na amoy. Kumuha siya ng pantali sa bag at itinali niya ang kanyang buhok.
“Wala bang janitor dito? Bakit tayo pa ang maglilinis? Anong silbi ng janitor dito?" naiinis nitong sabi.
"Huwag ka na ngang magreklamo riyan. Baka madagdagan na naman ang parusa natin," sita niya at nagsimula na rin siyang maglinis ng lababo.
Tumahimik naman ito sa karereklamo at siya naman ay ipinagpatuloy ang paglilinis. Kahit anong reklamo nila ay wala namang magbabago dahil baka nga mas madagdagan pa ang gagawin nila. Hindi lang siguro sa paglilinis ng banyo kundi buong eskwelahan pa nila. Bakit pa kasi pinalitan ang principal nila? Mas gusto pa nga niya ang dating principal kaysa dito sa anak nitong ang sarap patayin. Ang sarap sakmalin sa mukha.
Umagang-umaga, ito na ang una nilang ginawa. Imbes na pumasok sa school para mag-aral, ito ang kinahinatnan niya. Bakit ba kasi ito pa ang parusa nila? Kahit anong reklamo niya’y wala pa rin siyang magagawa dahil dito sila pinapunta ng Principal. Kaya ayon sunod na lang sa utos. Walang pansinan habang naglilinis ng banyo, mapakubeta, dingding, sahig at lahat ng kasuluksukan ay nilinis nila. Kahit na masakit ang likod at kamay ay nagpatuloy pa rin siya sa paglilinis. Hindi na nga nila alintana kung anong oras dahil mas nakatuon ang atensyon nila sa banyo.
Tagaktak na ang pawis sa kanyang noo pati na ang kanyang leeg, pero wala na siyang pakialam kung mukha na siyang gusgusin dahil gusto na niyang matapos ang araw na ito. Gusto na niyang matapos ang paglilinis para matapos na ang parusa sa kanila. Narinig niyang kumulo ang tiyan ng katabi niya kaya nahihiyang napatingin ito sa kanya habang hawak ang tiyan nito.
"Ela, gutom na ako. Pwedeng magluto tayo ngayon sa kitchen ni Ma'am Yena?"
"Baka pagalitan tayo ni Ma'am kapag pinakialaman natin ang gamit niya," wika niya habang abala sa paghugas ng madumi niyang kamay.
"Hindi iyon. Ikaw pa paborito ka kaya ni Ma'am," nakangising tugon nito.
Napasimangot siya sa sinabi nito. "Sabihin mong paboritong utus-utusan."
Natatawang umabrisyete ito sa kanya at humilig sa kanyang balikat. Ngumuso pa ito.
"Sige na,” pagsusumamo nito. "Gutom na gutom na ako, Ela. pwedeng ikaw ang magluto nami-miss ko na kasi ang luto mo."
Napataas ang kilay niya rito. "Wow ha! Umaabuso ka na." Pinanlalakihan niya ito ng mga mata pero wala man lang epekto sa kaibigan niya.
"Please?" She clasped her hands.
Wala na siyang nagawa nang marinig ang pagkalam ng sikmura niya kaya naglalakad na sila patungo sa kitchen ni Ma'am Yena.
"Ela, anong ingredients ang kailangan sa lulutuin mong menudo?" tanong sa kanya ni Meghan nang magsimula na siyang maghiwa ng karne.
"Kumuha ka ng patatas, carrots, at bell pepper. Unahin mo munang hiwain ang bawang at sibuyas. Sundin mo na lang ang book recipe na nasa harapan mo."
"Bakit ba kasi hindi ako pinagpalad na masarap magluto?" ungot nito na ikinatawa niya. "Huwag mo nga akong pagtawanan diyan." Umirap ito sa kanya.
"Sorry, sige na magsimula ka na para makakain na tayo."
Napasimangot ito sa kanya at nagsimula na rin itong maghiwa ng kung anong kailangan niya. Narinig pa nga niya ang kaibigan na pasinghot-singhot ito na alam na niya kung bakit dahil iyon sa sibuyas na hiniwa nito.
"Bakit ba kasi hindi sa ref ang kinuha mo? Iyan tuloy ang napapala mo."
Pasimple nitong kinusot ang mga mata nitong namumula na sa kakaiyak.
"Bakit hindi mo sinabi?"
"Tinanong mo ba?" pakli niya na ikinasimangot nito lalo.
Dahil abala siya sa pagluluto, hindi niya namamalayan na may nagmamasid na pala sa kanya. Narinig na lang niya ang pamilyar na boses na kinaiinisan niya. Salubong ang kilay na tiningnan niya ito.
"Hindi ko akalain na isang anak mayaman marunong din pala sa kusina," nakangising saad ni Principal Hughes habang nakatukod ang mga braso sa mesa. May pangungutyang nakatitig ang mga mata nito sa kanya. "Akala ko kasi sa pambabastos lang ang alam mo."
Napahigpit ang paghawak niya sa kutsilyo at pinukol niya ito ng masamang tingin.
"Kung pumunta lang kayo para insultuhin ninyo ako, mabuti pa umalis na po kayo dahil nakakaabala na po kayo sa amin. Higit sa lahat, nagiging bastos po ako kapag bastos din ang kaharap ko.”
Napaayos ito nang tayo at binigyan siya ng makahulugang ngisi na para bang nagbabanta. “You have the guts to say that to me.”
"May bibig po ako para gamitin sa pagsasalita at kung ano ang dapat kong sabihin. Kung hindi ninyo mamasamain, nandito ako sa paaralan para mag-aral hindi sa makikipagdiskusyon sa isang narrow minded na principal. Kung nakakalimutan ninyo Principal o mas tamang tawagin ko sa inyo ay President Hughes ay nag-aaral ako ng culinary."
Tumalikod na siya rito at hindi na pinakinggan kung ano pa ang sasabihin nito dahil sinalampak niya sa kanyang tainga ang earphone at nagpatugtog para hindi marinig kung ano pa ang sasabihin nito. Napatingin na lang siya sa kanyang likuran at nakita na lang niya pabagsak na pagsara ng pintuan. Pinaiko niyat ang kanyang mga mata sa ginawa nito. Principal nga para namang teenage boy kung umasta.
-----
SPENCER
PABAGSAK na iniligay niya ang kanyang kurbata sa mesa niya at pasalampak na umupo sa swivel chair. Hinilot niya ang kanyang ulo dahil sa tinding p*******t niyon. Akala pa naman niya ay mawawala na ang sakit sa ulo niya kapag makita niya ito. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito. Hindi niya alam kung bakit hindi siya kontento kapag hindi niya makita ang dalaga kahit isang beses lang. Nababaliw na ba siya o di kaya na-challenge lang siya sa pagiging mataray nito? Is it really necessary for him to hurt her para mapansin siya nito? Hindi ba siya nito kilala?
Naalala na naman niya ang nakaraan niya noong labinlimang taon pa siya. Naglalaro siya noon ang basketball kasama ang classmate niya sa likod ng bahay nila. Pinapagawa pa ito ng ama niya para hindi na sila mahirapan sa pagpunta sa subdivision court na malayo pa sa kanila.
"Ipasa mo sa akin iyan, pare!" sigaw niya habang itinaas ang kanyang mga kamay para saluhin ang bola, pero kasamaang palad lumampas iyon sa kanyang kamay.
Napalingon siya nang marinig niya ang iyak ng bata sa hindi sa kalayuan sa kinatatayuan niya. Mabilis siyang nagtungo roon. Lumuhod siya sa harapan ng batang babae. Kung pagbabasihan niya ang tangkad o mukha nito, mahigit pito o siyam na taon ito. Tiningnan niya ito nang mabuti at tinanong kung okay lang ba ito.
Nakatingalang tumango lamang ito sa kanya at pasimple nitong pinunasan ang basang pisngi.
" Anong pangalan mo?"
"Riri po." Namumula ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.
Bigla na lang siyang napahawak sa kanyang dibdib ng lumakas ang pintig nito. Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganito, pero sa totoo lang, ang sarap ng pakiramdam niya. Masarap sa pakiramdam ang pintig na iyon. Parang may humaplos sa puso niya. Isa lang ang nasisiguro niya masaya siya na makita ito rito sa subdivision nila.
"Ako pala si S--" naputol na lang ang pagpapakilala niya ng may biglang sumigaw malapit sa kinatatayuan nila.
Kaya nagdesisyon na lang siyang ibigay ang relo niya rito. Bigay ng kanyang ina ang relo na ito.
"Para sa’yo ito, Riri at para hindi mo ako makalimutan. Ang relo ay importante sa buhay natin dahil dito natin malalaman kung ano ang oras. Para hindi natin sayangin ang kaunting oras na binigay sa atin. I'm Spen--"
"Ikaw ka talagang bata ka! Malalagot tayo sa Mama mo nito, " sabat ng may kaedaran na babae sabay hila kay Riri palayo sa kanya.
Ngumiti na lang siya at kumaway kay Riri.
Simula noon at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makakalimutan ang araw na nakilala ang batang nagpapangiti sa kanya.
"Tanga ka ba, Spencer? Pitong taon pa iyong bata, it means hindi ka na niya maalala. Malaki na kaya ang pinagbago mo at pati ang batang matagal mo nang hinahanap."
Napakuyom ang kamao niya sa sinabi ng kaibigan. "She is not a child anymore, Driego."
Natatawang itinaas naman nito ang mga braso hudyat na susuko.
"Just face the truth, Spencer. Kahit anong gawin mo o sabihin mo, hindi pa rin magbabago na nagkagusto ka sa walang kamuwang-muwang na bata. Natandaan mo, kahit eight years ang gap ninyo'y tingin mo siya ang batang babae na matagal mo nang hinahanap?"
He massage his chin and looked at the door behind of his friend. "I don't know. I have the guts na siya talaga ang hinahanap ko. Iyong mga mata niya kung makatitig ay parang binabasa niya ang buong pagkatao mo. They have the same eyes, Driego."
Napatigil ito sa pagbabasa ng magazine at inilapag ito sa mesa. Salubong ang kilay nitong tinititigan siya para bang sinasabi ng mga mata nito na nababaliw na siya.
"It's a coincidence, dude. Baka hindi siya ang hinahanap mo. Hindi nga natin alam kung siya ba talaga iyon o hindi. You are totally insane. Alam mo ba iyon? Matagal na hindi mo na siya nakikita. So, bakit ka na naman magkakainteres sa taong matagal ng wala? Kahit anong hanap mo nga sa kanya sa subdivision ay hindi mo nga siya mahanap. Riri lang ang alam mo at hindi mo alam kung sino ba talaga siya. Hindi mo nga alam kung ano ang buong pangalan niya. Hindi ko nga rin alam, kung bakit ang sama ng trato mo kay Miss Jose. Bakit nga ba, Spencer?"
He just shrugged his shoulder and continued reading the files. Wala siyang balak na sagutin ang katanungan ng kaibigan dahil sa kanya lang iyon. Ayaw niyang malaman pa ng iba kung ano ang nasa isip niya.
"Sa tingin ko para malaman mo na siya talaga ang hinahanap mo, makipagkaibigan ka sa kanya as easy as that, right?"
Napaangat ang tingin niya sa sinabi nito.
"Your point is?"
"Makipaglapit ka sa kanya para malaman mo, kung sino talaga siya."