ERIELA Nakaupo si Eriela sa damuhan habang nakasandig sa may matandang puno dito sa harden ng school nila. Kapag may oras siya, dito siya namamalagi para makapag-isip nang maayos o di kaya magbasa. Minsan lang kasing may dumadayo rito dahil may isa pang harden malapit sa tourism building. Nakatulalang nakatingin siya sa kawalan. Halata sa mga mata niya na hindi siya nakatulog dahil maitim ang ilalim ng kanyang mga mata. Bumabagabag pa rin sa kanya ang nangyari kahapon. Para bang panaginip lang ang lahat ng nangyayari. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang totoong mga magulang niya ay may panghahawakan trono. Ang hirap paniwalaan subalit may ebidensya na siya talaga ang totoong anak ng ginang. Kaya pala pamilyar sa kanya ang naramdaman niya noong niyakap siya ng kanyang ina ng una nilang

