ERIELA Nasa teresa si Eriela na nakaupo sa wooden chair. Nasa hita niya ang librong binabasa niya. Ang isang kamay niya ay hawak ang telepono. Busangot ang mukha niya habang may kausap sa kabilang linya. Hindi kasi niya mapigilan ang sarili na hindi mainis rito dahil ubod ng yabang at mas nakakainis ay iyong pagtawag sa kanya ng Acushla. Ewan ba niya.When she was talking to this man named Spencer, she felt both annoyed and happy, pero hindi niya lang pinapahalata baka mas lalong lumaki ang ulo. Pagdating niya kasi sa bahay ay nagulat na lang siya na bumulaga sa kanya ang mga magulang at kapatid niya na may mga hawak na turutot, compete at sinalubong siya yakap ng mahigpit na mga yakap. They are all proud of her and have complimented her on her achievement. Masaya siya dahil kasama siya

