ERIELA SAN JOSE Kunot-noong natigilan siya sa paglalakad nang marinig niya ang galit na boses sa loob ng opisina ni Mr. Hughes. Kung hindi siya nagkakamali ay boses iyon ni Mr.Hughes. Nag-aaway ba sila ng nobya nito? Pero, hindi eh. Parang may kasama pa ito sa loob. Napapitlag siya ng may biglang tumapik sa likod niya. Napahawak siya sa dibdib at tumingin sa likuran niya. "Ate naman! Bakit ka ba nanggugulat?" habol ang hiningang tanong niya rito dahil sa pagkagulat. Tinaasan siya ng kilay ni Ate Patricia. She stamps her feet and folds her arms. "At bakit ka nakikinig sa usapan diyan sa loob?" "Napadaan ako at iyon nga narinig ko na lang ang galit na boses sa loob.” "It’s none of your business, Ela. Kaya ako sa’yo, pumasok ka na sa klase mo.” Napasimangot siya rito. "Okay," sukong

