ERIELA PABAGSAK na humiga si Eriela sa malambot na kama pagkatapos niyang mag-ayos ng kagamitan sa buong unit niya. Sa sobrang pagod ay nakatulog siya nakadapa. Naalimpungatan na lang siya ng may tumapik sa likod niya. Umuungol siya dahil gusto niyang matulog na muna. "Acushla, get up. You should have your meal right now." "Mamaya na,” pagmamakaawa niya rito. Imbes na tumigil ay pilit pa rin siya nitong ginising kaya wala siyang choice kundi bumangon sa kama at tumayo na. Masamang tingin ang pinukol niya rito. Spencer chuckled, which she overheard. "Acushla, stop frowning. You must be hungry. Sumunod ka na sa akin." Napabuntong-hininga na lamang siya na sumunod dito. Gusto pa sana niyang tanungin ito kung bakit hindi pa ito umuwi kaya tumahimik na lang siya. Para kasing bastos, kung

