SPENCER HUGHES Hindi na muna lumabas si Spencer ng sasakyan ng nasa parking lot na siya ng paaralan. Isinandal niya ang ulo sa bintana at pumikit. Kahit na uminom na siya ng gamot wala pa rin epekto. He sighed deeply when he heard the bell ring. Napagdesisyonan niyang lumabas at doon na lang sa opisina magpahinga. Nang patungo na siya sa opisina ay nakasalubong niya ang dalawang estudyanteng naghaharutan. Nagkasalubong ang kilay niya sa nakita. Hindi ba nila narinig ang tunog ng bell ng eskwelahan? Higit sa lahat, he didn't want public displays of affection at the school he ran. "What time is it right now, students?" He asked, his disappointment visible on his face. Dumagundong ang galit na boses ni Spencer na ikinagulat ng dalawang estudyante. Umayos nang tayo ang dalawa at takot a

