"RUNZEL, I'm pregnant" sabi ko dito at tinulak ang pregnancy test na ginamit ko. I decided to take a pregnancy test because these past few days I have felt nauseous and really tired, which led to being in bed for one whole day.
"What? How came? You used contraceptive pills, right?" halata sa mukha nito ang takot at kaba. We both agreed that I'd be using pills that make Zel not use condoms anymore. And now i regret it. I'm not responsible enough to rise this child. Ano nalang ang sasabihin nila mama If they know this.
"Last week after may nangyari sa atin nakalimutan kong bumili ng contraceptive pills dahil sa sobra kong busy sa requirements para sa last semester" napakagat ako sa ibabang labi ko at napayuko.
"Abort it"nag angat ako ng tingin sa kanya. Seryoso ba siya?
"W-what?"tanong ko baka kasi nagkamali ako ng tinig.
"Abort that Maia" walang emosyon ang mukha nito habang sinasabi ang katagang iyun.
"Runzel h'wag mo akong utusan na para bang madali lang gawin iyun" nanggalaiti sa galit kong turan sa kanya.
"Maia alam natin na parehas tayong hindi handa para sa bagay na'to" tama siya parehas kaming handa pero sana sinabi niya nalang hindi niya ako papanagutan para hindi na humaba pa ang usapan.
"Okay" tangi kong tugon at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Aalis na ako, sana ito na ang huli nating pagkikita" hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin at dumiretso na palabas sa cafe.
BUONG gabi ako umiiyak dahil hindi ko alam ang gagawin ko, alam kong kasalanan namin ang pagiging irresponsable pagdating sa bagay na iyun.
Rinig ko ang pagkatok sa pinto. "Anak labas na diyan mag aalmusal na tayo."
Pinunasan ko ang aking luha bago sumagot."Saglit lang po" bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso sa banyo.
Patingin ako sa aking repleksyon sa salamin halata sa aking mukha ang pag iyak at pagod. Naghilamos ako ng mukha at nagsipilyo bago bumababa. Pagbaba ko naabutan ko sila mama at daddy na naglalambingan. Wala pa'rin nagbago sa kasweetan nilang dalawa. Sana makahanap ako ng kagaya ni daddy.
Tumingin sa direksyon ko sila mama siguro dahil napansin nilang nakatingin ako sa kanila.
"Maia anak ano pang ginagawa mo diyan? Tara na kain na tayo"lumapit ako sa pwesto nila.
Hindi pa ako nakakaupo ng may naamoy akong hindi ko gusto. Mabilis akong tumakbo patungo sa lababo at sumuka doon. Ramdam ko ang paghangod ng kamay sa likod ko. "Anak anong nangyayari sayo, kahapon ka pa ng ganyan"
"Ayos lang po ako"sagot ko
Kinapa nito ang noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat"
Bigla akong nakaramdam ng kaba. "Honey baka may na kain lang siya" nakahinga ako nang maluwag ng magsalita si daddy.
"Na kain?eh hindi nga yan lumabas ng kwarto niya kagabi" may pagtataka ang boses ni mama.
"Maia humarap ka nga sa'min" kahit kinakabahan ay humarap pa'rin ako kila mama.
"Maia buntis ka ba?" halos hindi ako na makahinga sa sobrang kaba.
"M-ma" naiiyak kong sabi.
"Maia naman, hindi mo ba naisip ang kakahitnan ng ginawa mo"
"Ma I'm sorry" tuluyan na ako na iyak.
"Papanagutan ka ba ng nakabuntis sayo?" tanong nito gamit ang malamig na boses. Hindi ko pinakilala sa kanila si Runzel bilang nobyo ko dahil kilala nila si Runzel bilang trabador dito sa hacienda pati narin ang magulang niya ay nagtatrabaho dito. Ayaw namin ni Runzel na magkaroon ng problema ang magulang niya. Lalo na masyadong strict si Daddy sa mga lalaking trabador.
Nakayuko akong umiling. "Oh god Maia you're just 20, hindi ka ba nag iisip huh?" Tama si mama hindi ako nag iisip masyado akong nagpadala sa bugso ng damdamin at pagnanasa.
"Honey, calm down" pagpapakalma ni daddy kay mama.
"I'm so sorry, ma, and you too, dad." nanatili akong nakayuko at umiiyak.
"Dad" rinig ko ang pamilyar na boses na galing sa likod nila mama at daddy. Napaangat ako ng tingin, Si kuya Mathew iyun kaya naman mabilis ako tumakbo papunta sa kanya.
"Kuya" umiiyak kong sabi habang nakayakap ako sa kanya. Si Kuya ang kakampi ko sa lahat. Despite being half siblings, we're still close.
"Why are you crying, princess?" malambing nitong tanong. Hindi ako sumagot at mas lalo hinigpitan ang yakap ko.
"Dad?" hindi sumagot si daddy.
"Michelle, what happened?" malamig na tiningnan ni mama si kuya Mathew.
"Buntis si Maia at hindi siya papanagutan ng nakabuntis sa kanya"
"Maia, is that true?" kumalas ako sa pagkakayap kay kuya Mathew at tumango.
"Stop crying, princess baka makasama yan sa baby mo" pinunasan nito ang luha ko sa pisingi.
Napalingon ako ng nakarinig ako ng mga yapak paalis ng kusina. "Ma" susundan ko sana ito ng pigilan ako ni kuya Mathew.
"Hayaan mo muna ang mama mo" malumanay nitong sabi.
"Kuya,I'm sorry" alam kong namamaga na ang mata ko kakaiyak.
"Shh" papatahan nito sa akin
"Maia nasaan sila Mateios at Milton?" Kapagkuwan nitong tanong sa akin.
"Hindi ko alam kuya, baka nakatambay sa mga barkada nila" dalawa lang pwedeng gawin ng dalawa kong nakababatang kapatid pwedeng nasa bahay ng barkada nila or nasa school sila.
"Dalawang yun" umiling iling na ani ni kuya.