Michelle
APAT na taon na ang nakakalipas ng maghiwalay kami ni Mathew at nang may nangyari samin ni Tito Mateo. Tandang-tanda ko pa ang mga nakakahiyang ginawa ko noong panahon na yon. Hindi ko makakalimutan yung araw na iyon pagkatapos sa aming mangyari at pag iwan ko sa kanya mag isa sa condo.
" NAALIMPUNGATAN ako nang naramdaman kong parang may mabigat na nakadantay sakin. Kaya dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Labis ang kabog ng dibdib na aking nararamdaman nang mapansin kong ibang lugar ito. Nilibot ko ang aking mga mata doon ko napansin ang pag kakaiba. Napabalikwas ako ng bangon ng aking maunawaan na hindi ito ang kwarto namin ni Mathew.
"Ah" napahawak ako sa aking ulo ng makaramdam ako nang matinding sakit ng ulo at pagkirot ng aking p********e. Isinandal ko ang aking ulo panandalian sa headboard ng kama.
Pilit ko inaalala ko kung anong nangyari kagabi. Sa pagkaka alala ko ay pumunta ako sa isang bar at nagpakalasing dahil nalaman ko na niloko ako ni Mathew. And then nakita ako ng tatay ni Mathew.
Kinuwento ko sa kanya yung nangyari at dahil sa kalasingan ay hinalikan ko siya.... Oh my goodness, anong ginawa ko.
Sumulyap ako sa katabi ko, si Tito Mateo na natutulog ng mahimbing habang yakap ang aking beywang at nakadantay ang mga hita nito sa aking katawan na tila ayaw akong pakawalan. Napakagat sa pang ibabang labi habang sinuklay ang buhok dahil frustration na nararamdaman ko. Dapat hindi ako nagpadala sa tawag ng laman. Kainis.
Dahan dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ng kanyang braso sa aking beywang at pagkakadantay ng mga hita nito sa akin. Pagkatayo ko ay napaigik ako dahil sa sakit ng ulo pati ng pagkakabae ko.
Hinanap ko ang mga hinubad sa akin, napangiwi ako nang makita ko ang panty ko na kasabit sa table lamp. Dali dali kong kinuha ang panty at dress ko na nasa sahig. Saan na yung bra at cycling ko?...Di bale nalang wala namang makakapansin na wala akong bra at cycling. Sana lang hindi malakas ang hangin sa labas kung hindi ay masisilapan ako. Nagbihis ako ng marahan upang hindi makagawa ng ingay na pwedeng magsanhi para magising siya.
Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang sling bag ko na nasa single sofa. Napatingin ako saglit sa salamin malapit sa may kama. May napansin akong mga pulang pantal sa leeg ko at sa may malapit sa dibdib. Tinagilid ko bahagya ang ulo upang mas lalong makita. Napasinghap ako sa nakita, grabe mas marami siya tignan ngayon.
"Eto ba yung tinatawag nilang chikinini? Grabe bakit parang gilgil siya sa leeg ko? Dati ba siyang bampira no'ng pastlife niya" mahina kong linyahan.
Pinabayaan kong nakalugay ang buhok ko para walang makapansin sa mga pantal na nasa leeg. Bago ako lumabas ay tinapunan ko muna ng tingin si Tito Mateo na natutulog ng mahimbing sa kama.
Pinipilit kong maglakad ng maayos palabas ng condominium building para hindi ko mapukaw ang atensyon ng mga tao sa labas. Kahit sobrang hapdi ng p********e ko at nang ulo ko ay umakto ako nang normal hanggang sa makahanap ako nang pwedeng masakyang taxi.
Nang makahanap ako ay hindi ko alam kung anong address ba ang sasabihin ko, yung address ba ng dati kong apartment o yung house na binili ni Mathew.
Kung sa dati kong apartment ay wala naman akong makukuhang gamit doon dahil inilipat ko na sa bagong bahay ni Mathew. Hindi ko pwedeng angkinin ang bahay lalo na kasal si Mathew sa iba, yung gamit ko lang pwede kong kunin dahil sarili kong pera ang pinangbili ko .
Sinabi ko kay Manong ang address ng bahay na binili ni Mathew para RAW sa aming dalawa. Baka binili niya para maitago niya ako sa asawa niya. Tsk.
Nang makarating kami ay sinabihan ko si manong na hintayin ako dahil kukunin ko lang ang mga gamit ko. Pero napatawa nalang ako nang madatnan ko ang aking mga maleta na nasa labas na ng pinto. Hindi na pala ako mahihirapan pa.
Nagpatulong ako kay Manong na buhatin ang aking mga maleta dahil mabigat iyun at hindi ko kayang buhatin.
Nagpahatid ako kay Manong sa bus terminal. Naisipan kong tumira sa probinsyang kinalakaihan ko. Napatingin ako sa papel na may lamang address na siyang binigay ni Tita sa akin bago siya mamatay. Malapit ito sa barangay kung saan ako lumaki.
Pagkababa ko ay nagbayad at nagpasalamat ako. Nagtanong tanong ako kung saan ang banyo dahil hindi ako komportable ng walang short at nakapanty lang. First time kong lumabas ng walang short."
"Ate ayos ka lang ba?"natigilan ako sa pagbalik sa nakaraan ng magtanong si Linda.
"Ayos lang ako" sambit ko at binalik sa lagay ang magazine. Mukhang mas naging maayos ang buhay ni Mathew no'ng nawala ako ah. Mas lumago at lumawak ang negosyo nito ayon sa magazine kung saan na featured siya.
Umiling nalamang ako at naisipan na ipagpatuloy ang naudlot na paglalagay ko ng icing sa mga cupcakes na ginawa ko kanina.
"Sure kayo ate? kanina pa kasi kayo tulala eh" tumango ako. Mukhang kumbinse naman ito at hindi na nagtanong pa.
Ihinto ko ang aking ginagawa at tignan ito "May sasabihin ka" nag aalinlangan ako nito tinignan.
"Ate pwede bang ikaw muna ang magsundo kay Maia kasi kailangan kong pumunta sa school ni Lara eh" magkaiba kasi nang school ni Lara at ni Maia kaya matatagalan siya sa pagsundo kung pupunta siya sa meeting sa school ni Lara.
"Oo naman, ako na ang magsusundo kay Maia" sabi ko rito. Mukhang importante iyun kasi bihira lang ito magpaalam na aalis, kung aalis man ito ay siguradong importante iyun.
"Thank you ate" yumakap ito sakin atsaka umalis.
Tinignan ko ang orasan, ilang minuto nalang uwian na sila kaya inayos ko ang lahat ng mga gamit na ginamit ko sa pagbabake ko kanina. Bago ako umalis ay I make sure na lock at na check ang mga pwedeng magcause ng fire or accident.
Pagkadating ko sa Daycare School ay nakita ko siyang nakaupo sa isang bench sa labas ng kanyang classroom. Mukhang kanina pa siya nag aantay dahil nakita ko ang iba niyang mga classmates nagsiuwian na.
Safe naman sa school dahil hindi nila pinapalabas ang estudyante kapag walang sundo incase kapag may emergency at kailangan ng bata umuwi na,mismo ang teacher ang maghahatid.
"Maia anak" nanlalaking mata ako nito nilapitan.
"Mama" Isunukbit ko ang bag nito sa aking braso at lumuhod ako para magpantay kami.
"Mama bakit kayo po ang nagsundo sa akin?"tanong nito.
"May pupuntahan kasi ang Ate Linda mo kaya hindi ka niya masusundo, Bakit ayaw mo bang si mama ang magsundo sayo?" sabi ko habang pinupunasan ang kanyang pawis.
Umiling ito "Gusto po" natatawa naman ako sa kanyang kacutetan. Buti nalang ang namana lang nito sa kanyang ama ay ang asul nitong mga mata. At hindi ang face features.
"Saan mo gustong kumain anak?"nagniningning ang mga mata nito sa aking tanong.
"KFC" natawa naman ako kasi alam ko iyun ang sasabihin niya.
"Okay, let's go" Hawak kamay kaming naglakad papunta sa mall na malapit lang sa school nila. Since may mga kulang na sa mga ingredients ko na kakailanganin ko sa mga cakes na dapat kong gawin this week ay isasama ko na ang pag gro-grocery.