Tumakbo ang matabang lalaki na halos matumba sa bawat hakbang niya. Ngunit bago pa siya makalapit nagulat siya sa inasal at sinabi ng kaniyang pinsan. "Mr. Rivera?! Ikaw yan? Ikaw nga, napadalaw ka sa munting casino ko?" Tuwang-tuwang sabi ng lalaking lumabas sa elevator nang makita niya si Simon. Napakunot noo si Simon, "Kilala mo ako?" Pagtatakang tanong niya. Tumango ang lalake, "oo naman, paanong hindi kita makikilala, ang pogi pogi mo sa website ng Rivera Innovations," tumawa ang lalake, "oh, sorry, nakalimutang kong magpakilala, ako pala si Anthony Cruz, ang may-ari nitong buong lugar kasama 'yong nasa itaas" 'Tama, tama, ang pogi talaga ni Mr. Rivera,' naisip ni Isabella matapos marinig ang sinabi ni Anthony, may pag mamalaki sa kaniyang kaisipan na akala mo babae siya ni Simon.

