Racelle POV Exact 6:30 PM bumaba na kami ni Kitian, naabutan namin ang anim na nagmo-movie marathon sa sala. Kaya pala ang ingay e dahil sa kanila. Tinapik ni Kitian sa balikat si Mike ngunit lumingon ito na may inis sa mukha. "Bakit?" tanong nito. "Turn it off." tipid na sabi ni Kitian. "Nanonood e, panira." komento ni Mike bago niya ibalik ang atensyon niya sa pinapanood. "Ano ba kasi 'yan?" tanong ko. "Movie. Pinapanood." sagot ni Tristan ngunit binatukan ko. Nakaawang ang bibig niyang lumingon sa akin at tiningnan. Pinitik ni Kitian ang noo niya, "Yang mata mo, grabe ka makatitig sa baby girl ko." sabay hapit niya sa bewang ko. Nagtaas ng dalawang kamay si Tristan at natatawa pa ito. "Easy bro. walang malisya ang pagtingin ko sa kaniya." depensa ni Tristan. Nag thumbs up lan

