Kitian POV Umakyat ako sa kuwarto niya at agad na binuksan ngunit wala siya roon. Binuksan ko ang katabing kuwarto niya at laking gulat ko nang pinaghahagis niya ang mga figurines sa isang kahon. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya para tumigil siya. Tanginang babaeng 'to oh! Wala na nga sa wisyo minsan, magbabasag pa ng mga bagay na hindi naman siya ang bumili. "Calm down." tipid kong sabi. Tumigil naman siya sa pagpupumiglas. Great. Walang emosyon ko siyang tiningnan at umupo sa tapat niya. "What's bothering you again?" tanong ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa akin. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang iniharap sa akin, tiningnan ko siyang mabuti. "What's your problem? Imbes na magwala-wala ka diyan, magpahinga ka na." walang gana kong pangaral sa kaniya. Bi

