Racelle's POV "Bakla! Bakla! Bakla!" maingay na bati sa'kin 'nong dalawa pagkapasok nila ng classroom. Halos wala na naman kaming ginawa ngayon, ewan ko ba sa mga teachers na 'yan. Mukhang tinamad na yata magturo. Ay hindi, malapit na pala ang aming foundation day kaya ganon. "Baklaaaaa!" maingay na sigaw ni Estella sabay yugyog pa niya sa akin pagkalapit niya. "A-ano baaaaaaaa~" salita ko habang patuloy pa din siya sa pagyugyog sa akin. Aaminin ko nahihilo na ako pero hinahayaan ko lang ang parang batang sinapian na naman na si Estella. "Hey! What are you doing to our princess?" suway ni Justin pagkapasok niya ng classroom. Haist, kanina todo makasimangot ang isang 'to pero ngayon makapagtanggol wagas. Weirdo nga talaga. "Aish! Epal na naman!" inis na napatigil si Estella sa ginagaw

