Chapter 20

3167 Words

Racelle POV Nagising ako na punong-puno ng pagtataka, kung bakit nandito na ako ngayon sa kuwarto ko. Kanina nasa mall ako at umiiyak dahil nakita ko na naman si Yvonne at binully na naman niya ako. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo. Tumingin ako sa salamin, tinignan ko ang mukha ko. Ba't wala na 'yong dumi sa mukha ko? Saka itong damit ko iba na, pantulog na ang suot suot ko ngayon. Sinong may gawa nito sa akin? Takang-taka akong napapabalik balik ng tingin sa salamin at sa sarili ko. Lumabas ako ng kuwarto ko at agad na bumaba. Naalala ko may isa akong lalaking kasama kanina bago ako himatayin. Dumiretso ako sa sala, sa terrace ngunit wala naman ang lalaki. Nananaginip lang ba ako? Kinusot-kusot ko ang mata ko upang magising ako. Pumunta ako sa kusina ngunit wala ding tao.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD