Racelle POV "Ano ba!" naiinis kong tinabig ang kamay niyang marahas na hinahawakan ang braso ko. "Bakit ikaw pa 'tong galit?" Tahimik lang niya akong tiningnan ngunit walang kaemo-emosyon ang kaniyang mukha, kaya sa inis ko ay umakyat na lang ako patungong kuwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama at hinaplos ang pisngi kong kay hapdi. Tae! Para akong may mumps. Tamad kong inabot ang salamin na nasa side table ko. Sumimangot ako ng makita ako ang pisngi ko. Para akong nag-blush on. Sana sinampal niya ako 'nong mga bandang kinikilig ako para naman may silbi ang pamumula ng pisngi ko. Nagsitulo na naman ang mga luha ko. Sobrang mahina akong tao. Dinampot ko ang unan na natatakpan ng bed cover ko at niyakap na lamang ito. "Sana pala ako na lang 'yong namatay... sana ako na lang talaga

